Maraming nagtatanong lalo na ang mga first time mommies tungkol sa constipation o yung hindi pagdumi ni baby. Worrying, o super worried ang mga nanay kapag hindi nakakadumi ng ilang araw ang kanilang mga supling. Kailangan ba talaga na araw-araw magpupu si baby? Alarming ba kapag di nakakapupu si baby ng ilang araw? Iexplain natin sa article na ito ang mga dahilan at mga pwedeng gawin kapag di makadumi everyday si baby.
Mga Kondisyon ng Pagtae ng Baby
Sa Unang Araw ni Baby
Sa unang araw pa lang na naisilang si baby, ilalabas na niya ang pinakaunang pupu, meconium ang tawag dito. Sa loob ng 24 oras, ilalabas na niya dapat ito. Kung napanganak si baby sa ospital o lying-in, isa ito sa mga itatanong ng doktor o midwife kung nakapupu na ba si baby. Kung hindi pa siya nakadumi, ito ang pwedeng gawin.
- Rectal Stimulation
- Encourage Breastfeeding para mastimulate ang pagdumi.
- Investigate Further kung saan magsasagawa ng ibang examination katulad ng x-ray o ultrasound para malaman kung may problema ba kay baby.
Kadalasan, makuha ito sa rectal stimulation o yung pagsundot ng pwet ni baby para makadumi.
Para sa mga Exclusively Breastfed Baby
Normal na hindi makakadumi si baby ng ilang araw. Ayon sa eksperto, kung tatagal ng 5 to 7 days na hindi makadumi si baby, as long as hindi sumasakit ang tiyan, hindi lumalaki ang tiyan, hindi naglalagnat, at hindi nagsusuka, normal ang consistency ng pupu, wala ka dapat ipagkabahala mga mommy. Ang gatas ng ina kasi ay halos tubig kaya naman naaabsorb lahat ni baby ang nutrients ng breast milk. Kung naaabsorb niya lahat, wala na siyang ilalabas na pupu.
Para sa mga Mix or Bottle-Fed Baby
Ang hindi pagdumi ng 3 to 5 days ay normal din. Katulad ng sinabi ko, basta walang ibang halong sintomas, wala kang dapat ipagkabahala mommy.
Ano ang Gagawin Kung Hindi Makadumi si Baby
Rectal Stimulation – Pwedeng sundutin ang pwet ni baby para ma-stimulate ang external sphincter nito. Kadalasan, naiipon na dumi ni baby sa rectum, hindi niya ito nalalabas dahil minsan, kailangang ma-stimulate ang muscle sa pwet.
Dagdagan ang Pag-inom ng Tubig – Para ito sa mga baby na edad 6 na buwan pataas. Tulad sa matanda, nakakatulong ang pag-inom ng maraming tubig sa pagdumi.
Suppository – Maaaring bigyan ng suppository si baby. Mas magandang kumunsulta sa iyong pediatrician kung nagawa mo na ang dalawang paraan na sinabi ko.
Pagkain na Rich in Fibers – Para naman sa mga kumakain na, kumain ng pagkain na rich in fibers.
Kumonsulta sa Pediatrician – Kapag may sintomas na siya ng functional constipation.
Functional Constipation Symptoms
- Hindi pagdumi ng higit sa 7 araw
- Pagdumi na may kasamang matinding pag-ire
- Tiyan na lumalaki at sumasakit
- Pagkakaroon ng masyadong matigas na dumi
- Pagkakaroon ng mga palatandaan ng dehydration tulad ng dry mouth o ihi na madalang
Listahan ng Pedia clinic sa Olivarez
Olivarez General Hospital Pediatric Clinic Address: Olivarez Plaza, Dr. A. Santos Ave, Parañaque, Metro Manila Telepono: +63 (2) 8250 5555
Parañaque Doctors Hospital – Pediatric Clinic Address: 175 Doña Soledad Ave, Better Living Subdivision, Parañaque, 1711 Metro Manila Telepono: +63 (2) 8820 3623
Olivarez Hospital – Outpatient Department Address: Dr. A Santos Ave, Sucat, Parañaque, 1700 Metro Manila Telepono: +63 (2) 8820 0331
Adventist Medical Center – Manila Address: 1975 Donada St, Pasay, Metro Manila Telepono: +63 (2) 8556 7000
San Juan de Dios Hospital Address: 2772-2774 Roxas Blvd, Pasay, 1300 Metro Manila Telepono: +63 (2) 8554 8400
Unihealth Parañaque Hospital and Medical Center Address: Dr. A Santos Ave, Parañaque, 1700 Metro Manila Telepono: +63 (2) 8820 2537
South Superhighway Medical Center Address: South Superhighway Medical Center, Dr. A. Santos Ave, Parañaque, Metro Manila Telepono: +63 (2) 8552 8494
Iba pang mga Babasahin
Tips paano sanayin mag Toothbrush ang baby
Tips paano mapa-Burp o dighay si Baby
Ano ang gamot sa halak ng bata? Pwede maging pulmonya
6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old