Narito ang mga bagay na dapat bantayan kay baby at kailan siya dapat dalhin sa isang gamutan ng ospital para maagapan ang anumang magiging problema ng malaki. Be very attentive sa mga signs na ito kasi hindi pa alam sabihin ng baby ang kanyang mga problema.
Mga Danger signs sa Newborn Baby
1. Sucking reflex o problema sa pagdede
Kung si baby ay humina sa pagdede senyales ito na baka siya ay may infection. Pero i-check niyo din baka naman busog pa or ayaw niya lang yung lasa ng gatas so the best is breastfeeding.
Huwag na mag formula milk nila kung kaya naman ni breastfeed but medically speaking kung ayaw talaga dumede hindi malakas ang paghigop o yung tinatawag na poor sucking dalhin agad sa clinic o ospital baka kasi bumaba ang sugar at baka siya ay mangumbulsyon.
2. Jaundice o paninilaw
Maraming ibig sabihin ang paninilaw ng sanggol. Kung ang bata ay nanilaw agad sa panganak meaning wala pa siyang isang araw or less ng twenty four hours ito ay tinatawag na pathologic Jaundice kung saan kailangang i-confine ang baby para malaman ang rason ng paninilaw at magamot agad ito.
Kung ito naman ay nangyari after twenty four hours ito ay maaaring tawaging physiologic Jaundice. Ibig sabihin pwedeng normal pa yan pwedeng idaan sa paaraw pero kung napapansin mo na tumatagal ang kanyang paninilaw at umabot ng three days madilaw pa din baka kailangan na siyang dalhin sa ospital.
Baka naman kasi may infection na ang bata o kaya naman naglalaban na ang dugo ng magulang at ang baby. Ito ay common kapag ang blood type ni mommy is blood type “o” at si baby naman ay blood type “a” or blood type “b”
3. Vomiting
Kung isang beses lang ang pagsuka ni baby baka kailangan lang niyang magburp kada dede, pero kung bulwak na sa kanyang pagsusuka at talagang tumamlay na ang baby, dalhin agad siya sa ospital at baka kailangan na siyang iswero at bigyan ng antibiotics.
Senyales kasi ito ng isang infection kung kulay green naman ang suka ng baby indikasyon na to na baka barado ang bituka ni baby. Ospital pa din ang kailangan dahil baka opera ang pwedeng pangsagip dito.
4. Lagnat lagnat o mataas na temperatura
Kung mainit si baby kunin agad ng temperature sa pamamagitan ng thermometer kung ito ay thirty seven point eight (37.8degC) nilalagnat nga si baby hindi naman agad senyales ng infection nito.
Pwedeng mainit lang ang kapaligiran or sobra siya sa balot baka kailangan ng siyang paliguan. Take note pwedeng araw araw maligo si baby if nagtuloy tuloy ang lagnat ni baby at di na kayo mapakali dalhin na si baby sa hospital for admission.
5. Bumabaho ang pusod
Malalaman nyo naman kung ano ang normal o kung paano ang amoy ng isang nangangamoy na pusod. Lalo na kung ito ay may discharge o namumuong dumi na nasa pusod ni baby. Kung nangyari ito na at talagang masangsang na masangsang na ang amoy plus namumula ang gilid ng pusod pwede itong magdulot ng infection kay baby.
Kailangan siyang dalhin sa clinic para matignan ang isang doctor at siya ang magsasabi kung kailangan siyang maadmit.
6. Ubo sipon sobrang paglaki ng tiyan hindi pagdumi ng ilang araw at pangingitim
Kung sakaling may mga sintomas si babyat hindi ka sigurado sa mga ito mainam na pumunta agad sa kanyang pedia at magpacheck up mas mabuti ng sigurado.
7. Hirap sa Paghinga
Kung ang sanggol ay nagkakaroon ng mahirap na paghinga, tulad ng labored breathing, rapid breathing, o pagkawala ng paghinga, ito ay isang maaring senyales ng mga problema sa baga o sa respiratory system.