Kadalasan naman gagaling ang ating mga singaw sa loob ng dalawang linggo. Pero merong 20 hanggang 30% ng tao ay paulit-ulit na nagkakasingaw sa loob ng isang taon. Meron tayong tinatawag na simpleng singaw, lumalabas ito tatlo hanggang apat na beses sa isang taon. Pero sa loob ng isang linggo, ay pwede nang mawala ang inyong singaw.
Pero merong mga komplikadong singaw, mas malalaki at mas masasakit yung mga source o yung singaw, at isang buwan bago gumaling. Baka mahina ang iyong immune system.
Sintomas ng Singaw sa bata
Nagkakaroon ka ng singaw, pwede dun sa labi, sa gilagid, sa harapan o sa gilid ng dila, pwede sa ngala-ngala, yung iba dun sa may tonsils, kahit saan.
Pwedeng makagat mo yung gilid ng iyong cheeks o ng iyong pisngi, kaya tumutubo din ito dun sa gilid ng pisngi.
Yan po yung mga kadalasang pinanggagalingan o tinutubuan ng singaw. At tsaka minsan na dun sa huling molars mo, dun sa dulong ipin, may tumutubo din diyan na singaw. Basta nakagat mo o nainjure yung iyong bibig, ay pwedeng pagsimula ng singaw.
Dahilan Bakit Nagkakaroon ng Singaw sa bata o matanda
Bukod dun sa nakagat o kaya nasugat dun sa braces o nabunggo, halimbawa nag-iisport so may trauma o injury, pwedeng pagsimulan ng singaw.
Meron namang toothpaste, baka meron itong component na SLS, yung sodium laurel sulfate. Yung iba allergy kasi dun sa chemical na yun, kaya lagi silang nagkakasingaw.
Yung iba naman kulang sa linis, kulang sa pagbrush at tsaka pag floss ng bibig, kaya pwedeng magkaroon ng fungal, viral, or bacterial infection.
Yung iba sobrang stress, mahina ang immune system.
Yung iba naman hindi fit yung pustiso, lalo na yung ating mga elderly, baka kailangan ipabago o yung tamang fitting ng inyong pustiso.
Meron din laging tuyo ang kanilang bibig, maaaring diabetic, so kailangan laging iinom ng tubig. O yung iba naman napingot yung ipin, so laging matulis, matulis na ngipin. At yung iba naman napaso sa sobrang init ng kanilang kinakain.
Yung iba naman kulang sa folate, sa iron, at sa mga B vitamins, so merong mga deficiencies. Kulang sa tulog, baka mababa ang immunity. Yung iba maraming iniisip, stress, o baka naman may sakit. At yung iba naman may food allergy.
Home remedy sa singaw sa bata
Pag tayo ay nasa bahay, yung mga doktor nagrereseta ng mga gel, itatapal niyo dun sa sugat o doon sa singaw. Pwede yung mga OraGel o kaya yung mga Doktarin, ilagay niyo lang dun sa dulo ng isang cotton buds, tapos ilagay dun sa singaw.
Pagdating naman sa mouthwash, iiwas dun sa mga alcohol base, kasi lalong hahapdi. Meron namang hindi alcohol base, yung iba ClarHex, si Clarhexidine, katulad ng mga OraHex o yung iba pa na mga non-alcoholic na pangmumog para malinis yung ating bibig.
Kapag napakasakit na talaga nung mga singaw niyo, minsan nakakatanggal ng kirot yung mga sprays. Dito sa atin, sa mga botika, over-the-counter, meron yung mga Camilo SunSpray, pwede po yun.
Pagdating sa toothpaste, kung meron nga kayong allergy dun sa SLS o yung sodium laurel sulfate, pwede naman po yung mga white na toothpaste lamang, yung walang kulay, para sa sensitive skin. Ang mga example niyan sa grocery, Sensodyne, Dentiste, yan po pang-sensitive. Pwede tayong uminom ng mga Vitamin C with Zinc, o kaya isang multivitamins everyday.
Pwede din ang mga probiotics, prebiotics, postbiotics, o kaya yung mga Yakult or yogurt, o yung mga good bacteria sa inyong bibig. Iwas din ng mga sobrang init na pagkain, mas gusto natin yung mga maligamgam lang o yung medyo malamig para makatanggal ng kirot. Makakatulong po ang kamomile tea with honey, basta yung mga malalamig.
Pwede din yung mga ice chips, yung mga ice candy, kasi para tanggal lang sa sobrang kirot. Iwas sa sobrang anghang ng mga pagkain, kasi lalong kikirot. Tapos yung mga matatalim at matutulis, katulad ng mga chips, pretzel, yung mga maaasim, kasi hindi ito yung panahon. Kasi pag nadikitan niya ng maasim, napakasakit. So iwas muna sa maaasim din na prutas.
Pwede din tayong magfloss at laging magtotoothbrush para iwas dun sa mga bacteria, virus, at mga pungal.
Pero yung ibang tao, sobrang tigas ng ginagamit nilang toothbrush, at tsaka kung maka-toothbrush talagang diin na diin. Dapat yung soft toothbrush lang, yung medium to soft toothbrush, tapos banayad lang o marahan lang ang pagtoothbrush sa ating mga gilagid at sa ating mga ipin.
Ganun din dun sa ating dila at tsaka sa gilid ng ating mga mouth. So soft bristles lang ang gagamitin para hindi masusugat yung buong bibig natin.
Pwede din yung mga foods na mga berdeng dahon ng gulay, yung mayaman sa iron, sa folate, sa mga Vitamin B’s, makakatulong yan. Pwede rin tayong magmumog, yan mumog sa isang cup ng tubig maligamgam, pwede tayo maglagay ng one-fourth spoon ng asin, imumumog niyo mga 20 to 30 seconds, tapos iispit na natin, idudura na natin, nakakatulong din yan sa mga taong may singaw.
Tapos eto nga, camomile at tsaka yung mga pang-parelax na inumin para marelax naman kayo. Kung ang pinagmulan ng singaw ninyo, lalo na sa mga bata, mga braces o kaya naman matatalim na mga retainers, pwede tayo maglagay o bumili ng wax, meron pong nalalagay na wax para hindi kumaskas o kumayod doon sa skin ng inyong bibig.
Kapag laging nagbibitak-bitak ang lips natin, pwede tayong gumamit ng mga lip balm, yan para pag ngiti natin hindi nagsusugat. Wag kinakagat ang kuko, masusugat ang ating bibig. At tsaka wag subo lang ng mga bata, subo ng subo ng ballpens, ng pencil, iwasan po natin yan
Pag kumakain tayo, focus dun sa ating kinakain, hindi ba nakakagat niyo yung labi ninyo tsaka yung gilid ng cheeks ninyo kapag kayo ay nakikipag-usap habang kumakain o kaya may iniisip kaya bigla niyong nakagat. Eh pag nakagat niyo, nagkaroon ng injury or trauma dun, yun yung pinagsisimulan ng singaw. So focus lamang dun sa pagkain natin.
Tapos yung mga bata, tingnan niyo baka naman medyo sobrang puti ng kanilang bibig, kandidiya siguro yun, o kaya pag napakarami hanggang sa labas, tapos sa kamay at paa nila meron ding mga sugat-sugat, baka hand, foot, and mouth disease yan. Sa mga ibang adults naman, mahina yung resistensya, baka may autoimmune.
Ito po yung panahon para pumunta tayo dun sa ating mga doktor. Inom po ng sapat na tubig, eight to twelve glasses para hindi very dry ang ating bibig. Yung braces, sabi ko nga, ibalik sa inyong dentista kapag yun ang cause ng pagsusugat.
Nakakahawa ba ang singaw ng bata?
Hindi po, dun lang sa taong may singaw eh. Pero sabi ko nga, minsan pabalik-balik yun. Kung nagkasingaw kayo, isipin niyo ano ba yung nangyari, baka nakagat niyo, na-injure, or na-trauma. Sana matanggal ang ating mga singaw sa mga home remedies na itinuro natin.
Iba pang mga babasahin
Sintomas ng dehydration sa pagtatae ng bata: 9 Signs