November 15, 2024

Mabisang gawin sa pabalik balik na ubo ng bata: 7 Tips iwas pulmonya

Meron tayong mga tips para sa inyo, mga mommies, para hindi magtuloy-tuloy sa pulmonya ang inyong baby, lalo na pag may ubo na. Subalit, bago natin simulan ang mga tip, gusto ko munang ipaliwanag kung ano nga ba ang pulmonya.

Ano ang pulmonya sa bata

Ang pulmonya ay isang infection sa baga, na maaaring sanhi ng bacteria, virus, o kahit parasite. Ang mga sintomas nito ay maaaring kasama ang hirap huminga, pag-ubo, lagnat, at mabilis na paghinga.

Para maiwasan ang pulmonya, narito ang mga tip na maaari ninyong sundin

Exclusive breastfeeding

– Dapat si baby ay exclusively breastfed mula newborn hanggang six months of life. Kung maaari, walang formula milk o water, lamang ang gatas mo, mommy, dahil napakadaming antibodies, vitamins, at minerals na maaaring ma-receive ng baby.

Updated vaccines

– Tiyakin na ang mga vaccines ng baby ay updated, lalo na ang mga vaccines na nakakaprotekta sa pulmonya, tulad ng mga bago na pneumococcal vaccines o PCV, at ang Prevnar 13, na binibigay din sa health centers.

Flu vaccine

– Ito ay binibigay sa six months of life at bawat taon.

Iwasan ang usok

– Lalo na ang cigarette smoking. Kung mayroon sa bahay na naninigarilyo, ilayo si baby sa lugar na may usok.

Gamitin ang face mask

– Kapag may nagkakasakit sa bahay, lalo na ikaw, mommy, dapat nakaface mask ka. Malaking tulong ang face mask para hindi mahawaan ng baby ang iyong sakit.

Hinaan ang aircon o iwasan ang electric fan

– Kapag malamig na ang panahon, hinaan ang aircon o iwasan ang pagtutok ng electric fan kay baby upang maiwasan ang sipon.

Linisin ang sipon

– Kapag sinipon si baby, gamitin ang pang-spray na gamot para linisin ang sipon. Maaari kayong magtanong sa drugstore kung ano ang pwedeng gamitin para kay baby.

Kapag inuubo na si baby, narito ang mga tip upang maiwasan ang pagtuloy-tuloy sa pulmonya

1. Agapan ang sipon – Gamit ang pang-spray na gamot, maiiwasan ang pag-ubo at hindi na ito magtutuloy sa pulmonya.

2. Magpausok – Para sa mga two years old below, maaari kayong magpausok ng plain NSS (Normal Saline Solution) o tubig na may asin. Ito ay upang lumaki ang mga daanan ng hangin at hindi mahirapan sa paghinga ang baby.

3. Water therapy – Nakakatulong ang tubig sa ubo at sipon ni baby.

4. Good sleep – Iwasan ang puyat at siguraduhing may afternoon sleep si baby. Ang tulog ay nagre-recharge sa katawan ni baby at parang gamot din ito.

5. Agapan ang pagpapatingin – Kapag may three days na ang ubo at may lagnat pa rin si baby, agapan ang pagpapatingin sa doktor. Hindi na kailangan hintayin na lumala ang kaso.

6. Magsimula ng vitamins – Lalo na ang zinc sulfate, na mabilis pong magpagaling. Hindi kailangan ng reseta at maaari kayong bumili over the counter.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa tonsil antibiotic ba? Mapula at masakit na tonsillitis sa bata

Gamot sa Tonsil ng bata at kung paano makaiwas sa sakit ng lalamunan

Sanhi ng singaw sa bibig ng bata : Paano makaiwas

Mabisang gamot sa singaw sa bibig o dila ng bata: Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *