Madalas kong marinig sa ibang nanay na may halak si baby. Ano nga ba ang halak? Normal ba ito o sintomas na ito ng isang sakit? Gusto mo bang malaman kung kailan ka dapat matakot sa halak, or kung ano ang pwedeng gawin kapag may naririnig ka ng ganito? Pagusapan natin ang mga kasagutan sa article na ito.
Halak sa baby, may dapat bang ikatakot kapag may ganito si baby? Narinig mo bang may kakaibang tunog kapag humihinga ang iyong baby? Madalas na kinakatakot ito ng iba dahil iniuugnay ito sa pagkakaroon ng ubo at sipon sa likod. Pero ano nga ba ang halak? May dapat bang ikatakot ang mga mommy kapag may ganito si baby?
Paano malaman ang klase o type ng Halak sa Baby?
Ang halak o gurgly na tunog na maririnig sa dibdib ay dahil sa nakabarang plema o laway sa itaas o ibabang bahagi ng daluyan ng hangin. Sa kabilang banda, ang ating baga ay may nalilikhang ibat ibang tunog depende sa sakit na tinataglay nito. Sa mundong medical, ito ay ang wheeze, crackles, rongchi, whooping, pleural friction rub at stridor.
Bawat tunog na ito, at depende rin sa lokasyon nito sa baga, ay makakatulong sa doc na malaman ang kaakibat ng sakit. Naririnig ang mga ito sa tulong ng stethoscope, ito ang gamit naman ng mga doktor para matutukan ang likod ng pasyente. Pero sa mga ito, ang tunog ng stridor ang medical term na may iugnay sa halak, gaya ng halak, ito ay maaaring marinig kahit walang stethoscope.
Madali itong maririnig kapag pinakinggan mo ng iyong tenga ang likod ng iyong baby. Mas nararanasan ang traydor na mga bata kaysa sa matatanda dahil ang daluyan ng hangin nila ay malambot pa at makitid. Paliwanag ng mga eksperto na normal lamang sa mga baby ang pagkakaroon ng halak. Uulitin ko, normal lang sa baby na may halak. Ang madalas na nagiging sanhi kasi nito ay kapag nasosobrahan sa pagdede si baby.
Oh di ba, inakala niyo bang nasobrahan lang pala siya sa pagdede? Akala niyo may sipon na si baby. So paano nangyari ito?
Kapag sumobra ang pagdede ni baby, iluluwad o isusuka niya ito dahil hindi pa niya masyadong nakokontrol ng maayos ang kanyang epiglotis o yung pumipiyok sa gatas o pagkain na mapunta sa daanan ng hangin papuntang baga. Napupunta ang ibang gatas sa daanan o airway, sanhi ng pagkakaroon ng tunog habang humihinga si baby.
Kaya naman ipinapayo naming mga doktor na tama ang pagitan ng mga oras na pagpapadede sa mga baby para hindi nasosobrahan at tiyak na naaabsorb nila ang nadededeng gatas.
Paano kung tama naman ang pagpapadede at sigurado akong di nasosobrahan si baby?
Baka hindi na halak ang naririnig niyo mommy, baka strider na ang naririnig niyo katulad nito: hu hu hu, hu hu hu hu. Kung starter ang tunog na naririnig, maaaring may kondisyon na tinatawag na laringgo malicia ang bata. Ibig sabihin nito, may bumabara sa daan ng hangin na nagiging sanhi nito.
Karaniwan na nawawala ito sa pagtanda ng iyong anak. Ang ganitong kalagayan ay higit na nararanasan kapag tumuntong ng anim na buwan ang inyong baby, pero may iba na ilang araw lamang pagkapanganak ay kinakikitaan na nito. Hindi naman ito delikado ngunit kapag napabayaan magdudulot ng ibang komplikasyon.
So kailan delikado ang halak?
Ayon sa mga eksperto, delikado ang halak kung may kasama itong pag ubo. Sinasabi nila na ang ating baga ay may paraan para ilabas ang plema kaya tayo umuubo. Kaya naman kapag ang baby ay may halak na may kasamang ubo, kailangan ng patignan nito sa inyong pedia, baka kasi itoy pulmonya na at mahirapan na siyang huminga.
Naririto ang ibang sintomas kapag ang halak ay nahaluan na ng ganito: mabilis at hirap sa paghinga, bago lamang napansin ang kondisyon, mataas na lagnat, may matinding pag ubo, ayaw dumede o kumain, hindi nawawala ang halak, ubo at sipon. Ipacheck up agad sa doctor or might as well itakbo sa emergency room lalo na kung siya ay nangingitim at hirap na hirap na sa paghinga.
Ano ang pwedeng gawin sa halak ng baby?
-May mga halak na kailangan talaga ng doktor
-Padighayin ang baby
-Tapikin ang upperback ng bahagya
-Tamang pahinga at maaliwalas na kapaligiran
-Painumin ng sapat na tubig
-Iwasan ang mga causes ng allergy
May mga halak na hindi kailangan na gamutan dahil kusa itong nawawala gaya ng halak na sanhi ng labis sa pagdede. Ang tamang pagitan ng pagpapadede ay sapat nang gawin para mawala ang halak dahil gatas lang ito na naiiwan sa lalamunan ni baby na hindi pa nakakababa sa kanyang tiyan. Kaya sikapin niyang magpadighay over ng maayos si baby, tapik tapikin lang din ng bahagya ang upper back niya. Sa mga newborn na nakakaranas ng halak, ito ay dahil daw hindi pa naaalis ang lahat ng amneotic fluid na nasa baga niya matapos ipanganak. Sa mga baby na nasa edad anim na buwan pataas, makabubuti rin ang malinis at maaliwalas na paligid, magkaroon ng tamang pahinga si baby, at maginhawa ang kanyang pagtulog.
Tignan kung ang iyong baby ay may sipon, kung mayroon, painumin ng sapat na dami ng liquid gaya ng mas madalas na pagpapasuso. Maaari ding gumamit ng sailing solution para matulungang umayos ang kanyang paghinga, pero kumunsulta sa doktor sa tamang paraan. Obserbahan din kung madalas na naglulungad si baby para tugunan ang kalagayang ito matapos mapadede si baby, hayaan lang na buhat ito ng patayo.
Iwasan din ang maaaring magsanhi ng allergy o makakairita kay baby gaya ng usok ng sigarilyo, alikabok, at iba pa.
Listahan ng Pedia clinic sa Bulacan
Sacred Heart Medical Clinic
- Lokasyon: McArthur Highway, Malolos City
- Telepono: (044) 791-2023
St. Luke’s Medical Center – Bulacan
- Lokasyon: Quirino Highway, City of San Jose del Monte
- Telepono: (044) 463-0865
Dr. Reyes Pedia Clinic
- Lokasyon: Plaridel Street, Poblacion, Pulilan
- Telepono: (044) 676-1558
Graceville Pedia Clinic
- Lokasyon: Graceville Subdivision, San Jose del Monte City
- Telepono: (044) 815-6791
Aguinaldo Pedia Clinic
- Lokasyon: General Aguinaldo Street, Santa Maria
- Telepono: (044) 641-1283
La Consolacion Clinic
- Lokasyon: National Road, Sto. Cristo, Baliuag
- Telepono: (044) 766-2282
Carmona Clinic
- Lokasyon: Francisco Homes, City of San Jose del Monte
- Telepono: (044) 913-2046
Iba pang mga babasahin
6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old
Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby
One thought on “Ano ang gamot sa halak ng bata? Pwede maging pulmonya”