Sa mga Pinoy momies na nagbabasa, ang good oral hygiene sa bata ay dapat nasimulan hindi lang sa unang tubo ng ngipin ni baby kundi pati na rin sa kapanganakan pa lang ng sanggol. Kailangan matutunan din kung paano linisin ang loob ng bibig ni baby gamit ang gasa o ginupitan na lampin.
Paano Linisin ang Bibig ni Baby
Iikot ito sa iyong daliri, ipasubo kay baby, at hayaan siya na sipsipin ang tela o gasa. Habang nasa loob ang iyong daliri, galaw-galawin ang daliri upang malinisan ang dila, gums, at hard palate ng iyong baby.
Para sa mga Bata na May Ngipin Na
Toothbrush at Toothpaste
Gumamit ng damp toothbrush at toothpaste na fluoride-free. Ang paglunok ng excessive fluoride ay nakakasama sa kalusugan, kaya pinapayuhan ng mga eksperto na gumamit ng fluoride-free toothpaste katulad ng mga ito.
Kung Hindi Mapigilan
Kung hindi maiiwasan ang paggamit ng toothbrush na may fluoride, maaaring lagyan ng rice grain size na amount ang toothbrush ni baby. Ito ay advisable sa edad 3 years old pababa. Para naman sa edad 3 years old pataas, maaari nang dagdagan ang amount ng toothpaste na may fluoride.
Paano Magsimula para Masanay si Baby Magsipilyo
Sinisipilyo ko ang aking anak habang naliligo. Masasanay siya dito dahil ito ang magiging routine niya sa banyo.
Mainam na bilhan siya ng toothbrush na naaayon sa edad niya.
Tips upang Magustuhan ni Baby ang Magsipilyo
Walang Toothpaste Muna
Simulan na wala munang toothpaste dahil kakaiba ang lasa nito. Mas maganda na magsimula si baby na mag-brush ng ngipin gamit ang tubig at sipilyo lamang. Dahan-dahanin natin bigyan ng toothpaste hanggang masanay siya.
Sabihan Siyang Magtoothbrush
Tiyak na gagayahin niya kung ano man ang ginagawa mo.
Hayaan na Ikaw ang Magsipilyo
Hayaan na ikaw ang magsipilyo kay baby. Sa ganitong paraan, mapapractice niya na ang sipilyo ay para sa ngipin. Ganito din matutunan ni baby na kailangan din niya itong gawin sa sarili niyang ngipin.
Gumamit ng Salamin
Yayain ang inyong anak na magsipilyo sa harap ng salamin. Paraan ito upang malaman ni baby ang nangyayari sa kasalukuyan.
Kantahan si Baby
Sigurado magugustuhan ng iyong anak kapag may kasamang kanta, katulad ng “Brush, brush, brush three times a day.” Dito sa paraan na ito, mga mommies!
Iba pang mga Babasahin
Tips paano mapa-Burp o dighay si Baby
Ano ang gamot sa halak ng bata? Pwede maging pulmonya
6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old
Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby
One thought on “Tips paano sanayin mag Toothbrush ang baby”