November 21, 2024

Sintomas at gamot sa Hand foot and mouth disease ng bata

Ang mga anak niyo ba nagkakaroon ng mga singaw sa bibig pagkatapos mong makita may mga rashes sa kamay at paa? Hala, baka hand, foot, and mouth disease na yan! Alam natin marami na rin sa mga parents ang nagkaroon ng mga babies at mga anak na may hand, foot, and mouth disease. Basahin natin ang article na to para malaman ang mga home tips na hindi naman kayo natataranta at para hindi rin kayo mahawa, kasi pwedeng mahawa ang matanda ng sakit na ito.

Paano ba malalaman kung mild o severe ang hand, foot, and mouth disease?

Pag-uusapan natin ngayon ang mga sintomas ng hand, foot, and mouth disease. Minsan, makikita mo pa lang sa unang dalawang araw kung magiging mild o severe form siya. Icompare natin silang dalawa para malaman mo sa unang araw pa lang kung ano yung medyo sakit ng anak mo.

Sa mga mild form, ang fever nila usually mga 37.4°C hanggang 38°C maximum. Sa severe form, unang araw pa lang, ang mga rashes o singaw ay nagsisimula na. Pangalawang araw, makikita mo na may singaw sa ngala-ngala sa mga mild forms, mga isa o dalawa lang siya. Pero sa severe form, pangalawa o pangatlong araw, punong-puno na yan, kaya yung feeling na parang may sore throat ay mas severe dito.

Pareho silang nagkakaroon ng parang sakit ng ulo at matamlay dahil sa singaw, kaya hindi kumakain. Pero dahil mas marami ang mga singaw sa severe form, pangalawa, pangatlo, pang-apat na araw, hindi na halos kumakain. Kumpara dito na kahit papaano, nakakadede o nakakainom pa ng konti-konti.

Babantayan mo, Mommy, ang dehydration dahil mas nakikita ito sa severe form. At dahil sobrang taas ng lagnat ng mga severe forms, dito rin nagkakaroon ng mga komplikasyon.

Pansinin mo rin ang mga rashes. Sa mga mild form, konti lang ang lumalabas. Sa severe forms, makikita mo na punong-puno at naghihitik ang mga rashes, hanggang tiyan, likod, at pwet.

Paano ba ginagamot ang mild at severe na hand, foot, and mouth disease?

Pag-uusapan natin ang gamutan ng hand, foot, and mouth disease dahil importante, mga Mommies, na alam niyo ang gagawin niyo at hindi kayo natataranta.

Para sa lagnat, pwedeng magtanong sa pedia sa paggamit ng paracetamolpara sa dosage ng mga binibigay natin sa baby. Bigyan ng paracetamol every four hours basta may lagnat. Kung wala ng lagnat, huwag nang bigyan. Pero kung tumataas talaga ang lagnat, bantayan mo, check the temperature every four hours, bigyan ng paracetamol, at kung tumataas pa rin, punasan ng lukewarm water para ibaba ang temperature ng bata.

Sa mga mild form, minsan ang lagnat nila is really sinat lang, sometimes isang araw lang, pangalawang araw wala na. Kung wala ng fever, huwag nang bigyan ng paracetamol. Sa severe form, bantayan mo dahil ang lagnat niya ay really spiking, kaya bigyan ng paracetamol, punasan, at iyan ay isa sa mga bantayan mo.

Pangalawa, dahil hindi sila kumakain, importante ang nutrisyon. Bigyan ng juices, water, at sabaw para maiwasan ang dehydration. Pwede ring magbigay ng ORS at multivitamins kung hindi kumakain ang bata.

Para sa rashes, tandaan na lumalabas ang mga ito as early as second to third day, konti lang sa mga mild forms. Sa severe forms, minsan dumadami talaga at sobrang kati. Para sa rashes na makakati at dry, suggest na gumamit ng mild moisturizing lotion matapos maligo, at pwede ring gumamit ng kalamine lotion at kalmoseptin ointment. Para sa hindi makatulog dahil sa kati, pwede gumamit ng mga antihistamine.

Para sa singaw, sa mga mild forms, kusa naman siyang natutuyo. Sa severe forms, punong-puno na ang bibig ng singaw at hindi na makakain, kaya kailangan ng anti-viral agents. Konsulta sa doktor para sa tamang reseta ng gamot.

Ano ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin kapag may hand, foot, and mouth disease si baby?

Para sa mga dos and don’ts, huwag gagargle ng water with salt dahil masakit ang singaw. Huwag lagyan ng matatapang na germicidal soap ang mga rashes dahil makakairita lang sa balat. Pwede paliguan ang bata ng mild soap and water kung wala ng lagnat. Walang bawal na pagkain, pumili lang ng hindi maalat at maasim. Huwag bigyan ng mga herbal na dahon-dahon na kinakatas.

Kailan ba masasabing magaling na at hindi na nakakahawa si baby?

Usually, yung mga may hand, foot, and mouth disease, ang rashes nila inaabot ng one to two weeks hanggang dried up na at kumakain na wala ng singaw. After two to three weeks, hindi na sila nakakahawa. Pero tandaan, ang poop nila pwede pa ring makahawa hanggang one to three months dahil sa viral shedding. Kaya importante ang paglilinis ng mga surfaces, pagdidispose ng mga diapers, at frequent hand washing.

Alam niyo na pag nagkaroon ng isang bata na may hand, foot, and mouth disease, ihiwalay na siya sa ibang mga bata at kung kayo’y humahawak sa bata, frequent hand washing, lalo na kung nagpapalit ng mga diapers o malapit sa bata na tatalsikan kayo ng laway. Within four to six days, pwede kayong magkaroon ng symptoms kung exposed kayo sa isang bata na may hand, foot, and mouth disease at mababa ang inyong resistensya.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa foot and mouth disease sa bata: Senyales ng sakit

Delikado ba ang halak sa bata: 5 Signs na Halak ito

Paano mawala ang halak ng baby: Sintomas at Dahilan

Mabisang gamot sa halak at ubo ni Baby para mawala

One thought on “Sintomas at gamot sa Hand foot and mouth disease ng bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *