November 22, 2024

Chicken pox sa bata: Ano ang gagawin?

Pag-uusapan natin sa article na ito ang chickenpox, marami ang nagkakaroon nitong chickenpox o sa tagalog ay bulutong tubig. Nasa taas ang itsura ng chickenpox, ang mga sintomas niyan ay nilalagnat, inuubo, sumasakit ang ulo, at nagkakaroon tayo ng chickenpox. Pwede mahawa sa ibang tao, kadalasan nalalanghap ito sa hangin.

Sintomas ng Chicken pox sa bata

Pagkatapos gumaling ng chickenpox, minsan nagkakaroon tayo ng pangalawang impeksyon sa ibang araw, pag magkaka-edad na tayo, ang tawag naman dito ay shingles or herpes zoster. Kadalasan sa may bata, ganito po ang itsura ng chickenpox.

Unang-una, lalagnatin ang pasyente, pagkatapos lalabas ang pantal, parang pimples siya sa umpisa, ito yung stage one. Tapos magtutubig itong mga pantal, magkakaroon ng blister, may liquid sa loob, ito yung lubhang nakakahawa. Tapos lumalaki ang mga butlig, hanggang bandang huli maglalagid na, magkakaroon ng mga scar at crusting nitong mga chickenpox.

Pag nandito na, pagaling na ang pasyente, ganito ang itsura ng chickenpox sa buong katawan, minsan sa mukha, sa likod, sa dibdib. Ang mga sintomas ng chickenpox, tulad ng nasabi ko, lalagnatin muna ang pasyente, masakit ang ulo, inuubo, minsan masakit ang tiyan, tapos lalabas itong mga pantal.

Anong gagawin natin kung mayroon nitong chickenpox sa bata?

Syempre, huwag nating kukuskusin ang balat natin, kasi pag kinuskos natin itong mga pantal, masusugat yan, lalabas ang mga liquid, mas nakakahawa at magpepeklat yan. Ang pwede nating gawin, pwede tayo kumuha ng isang litrong tubig, lagyan natin ng isang kutsaritang asin, tapos kuha tayo ng tuwalya, ito lang yung idadampi natin doon sa mga butlig ng chickenpox, huwag kukuskusin.

Pag nangangati, minsan pwede bigyan ng calamine lotion, pwede rin uminom ng anti-allergy para sa lagnat, pwede rin yung paracetamol. Pero binabantayan natin ang komplikasyon, yung nahirapan huminga, may pulmonya, o medyo drowsy, may impeksyon sa utak, para medyo drowsy ang pasyente. Pag ganito ang sintomas, dadalhin agad sa ospital.

Ang gamutan sa chickenpox, merong anti-viral na binibigay, isang klase dito ay acyclovir. Iniinom ito, pwede tong tableta na iniinom mga four times a day. Nakatake na rin ako nitong acyclovir, ang maganda dito, kailangan mainom natin itong gamot within two days ng paglabas ng pantal. Kaya paglabas pala ng pantal, one to two days, kumunsulta sa doktor at inumin na tong mga tableta para mabawasan ang paglabas ng pantal at bumilis ang paggaling. May kamahalan lang po ang acyclovir, pwede kayo sa mga generics ng botika para makamura.

Mga dapat bantayan na kumplikasyon sa bata ng Chicken pox

Yan ang babantayan natin, ang mga komplikasyon ng chickenpox, pwedeng pulmonya at sepsis, infection sa utak. Bihira lang naman ito mangyari, pero syempre yung mga buntis, dapat mag-iingat kasi pwedeng maapektuhan ang mga bata. Ang chicken pox kasi talaga, sobrang nakakahawa ito, kaya kung mayroon kayong chickenpox, talagang iiwas sa trabaho, sa school, nakakahawa ang chickenpox. Two days bago lumabas ang pantal, kahit wala pang pantal, nakakahawa na, plus hanggang umabot sa paglalangib na, pag naglalangib na matigas na, doon pa lang hindi na nakakahawa ang pasyente.

Para makaiwas sa chickenpox, bukod sa iiwas tayo sa mga pasyente, pwede rin bigyan ng bakuna ang mga bata. One year old, may first na vaccine for chickenpox, five years old, binibigyan ulit ng bakuna sa chickenpox. Pero kung lampas tayo seven years old, pwede pa humabol ng bakuna.

Listahan ng Pedia sa Quezon City Project 1

World Citi Medical Center

  • Address: 960 Aurora Blvd, Project 4, Quezon City, Metro Manila
  • Contact Numbers:
    • +63 2 8913 8385 to 89
    • +63 917 708 5843
    • +63 995 554 2923
  • Specialties: Pediatrics, Obstetrics and Gynecology, General Surgery, Internal Medicine, and more.

St. Luke’s Medical Center – Quezon City

  • Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, Metro Manila
  • Contact Number: +63 2 8723 0101
  • Specialties: Comprehensive pediatric care including neonatology, pediatric surgery, and pediatric neurology.

Capitol Medical Center

  • Address: Scout Magbanua cor. Panay Ave., Quezon City, Metro Manila
  • Contact Number: +63 2 8372 3825
  • Specialties: Pediatrics, including general pediatric care and pediatric sub-specialties.

National Children’s Hospital

  • Address: E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City, Metro Manila
  • Contact Number: +63 2 8712 4243

Iba pang mga babasahin

Gamot sa lagnat ng bata : Tamang paggamit ng paracetamol

Sintomas at gamot sa Hand foot and mouth disease ng bata

Gamot sa foot and mouth disease sa bata: Senyales ng sakit

Delikado ba ang halak sa bata: 5 Signs na Halak ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *