Ang pag-uusapan natin ngayon, paksang pangkalusugan, ay tungkol sa tonsilitis. Yung common na sinasabi ng mga tao, “May tonsils ako,” actually, lahat naman tayo ay may tonsils. Ito ay bahagi ng ating katawan, ito sa may lalamunan, malapit sa dila, back of the throat. Ang pamamaga ng tonsils, siguro ang nirerefer ninyo, ito ay tinatawag nating tonsillitis. Para sa kaalaman ninyo, ganito yung itsura ng tonsils:
– nasa likod ng dila, sa back of your tongue
-tapos magkabilang gilid yan sa inyong lalamunan.
Yan yung parang nakaharang sa inyong lalamunan, iyan po ang tinatawag nating tonsils, magkabila yan, so bilateral.
Ano ba ang purpose ng tonsils na yan?
Ang tonsils, iyan ang humaharang, tumutulong yan para hindi agad makapasok ang mga microorganism na posibleng pumasok sa ating lalamunin, papunta sa ating respiratory system. Sila nagsisilbi bilang pangharang.
Kaya lamang , merong mga pagkakataon na mismong yung tonsils natin, sila ang nagkakaroon ng infection. Karaniwan itong nangyayari sa mga bata, pero nangyayari din ito sa mga matatanda.
Paano natin susuriin ang infection sa tonsil ng bata?
Actually, sa pagcheck pa lang ng lalamunan. Syempre, pinapa-open nga yung bata, tapos titingnan ang lalamunan. Pwede tayong gumamit dito ng tongue depressor, so pwede niyong suriin ang inyong mga anak, pwede din niyong suriin ang inyong sarili, kung namamaga ba yung tonsils niyo. At usually, ganito po ang nangyayari ganyan po yung normal tonsils, compare sa namamagang tonsils.
Three simple steps.
Tapos ilagay yung tongue depressor dun sa dila, itulak ito pababa, tapos sabihan niyo dun yung bata, say so, lalo siyang magwa-widens, at makikita mo dun kung ano yung itsura ng kanyang lalamunan, kung ito ba ay namamaga, namumula ba siya, or merong parang puting-puti. Yan po yung kaparaanan na pwedeng nating gawin.
Sa mga doctors, meron silang ginagawa na procedure, yung nagcu-culture swab, kukuha ng sample, tapos ipapadala din sa laboratory yung sample na yun para malaman kung ano, i-culture nila yun para malaman. At pwede din yung rapid test.
3 Types ng tonsilitis sa bata
So, meronng three types of tonsilitis: pwedeng acute, pwedeng recurrent, at pwedeng chronic.
Ang acute ito yung karaniwan na nangyayari, tapos pagka-ang pamamaga nito, umaabot hanggang dalawang linggo. At kapag acute pwedeng kasama nito parin sa pamamaga, kaya ito ay tinatawag na tonsillo-pharyngitis, yung tonsils at yung pharynx ay namamaga.
Pangkaraniwan na ang nagiging sanhi nito ay ang virus. Yung second naman, ito ay ang recurrent, by the term itself, ito yung paulit-ulit, pabalik-balik, mawawala then babalik ulit siya. Ito ay inoobserbahan sa loob ng isang taon na paulit-ulit. Itoay pwedeng natin na tawagin na recurred tonsilitis.
Pag sinabi naman chronic, ito naman yung pangmatagalan na tonsilitis, yung umaabot sa more than two weeks. At habang chronic state yan, yan din yung sinasabi na meron ding paulit-ulit, tapos matagal gumaling, at karaniwan sa mga chronic tonsilitis, nagkakaroon na sila nung parang mga bato, yung matitigas na mga parang puti-puti na nandun sa loob ng ating tonsils. So, ito usually, kapag chronic, irerecommend na magpasurgery, which is tinatawag natin itong tonsillectomy.
Ano nga ba ang nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng tonsillitis sa bata?
Actually, ang tonsilitis ay pwedeng ang maging sanhi ay viral or bacterial. Yung bacterial cause, ito ay sa dahilan ng bacteria na streptococcal. Bacterial cause naman, ito ay usually dahil sa trangkaso, dahil merong flu, sipon, or merong trangkaso yung bata or yung matanda, kaya nagkakaroon siya ng tonsilitis, dahil sa viral infection.
At tandaan, ang viral infection na cause ng tonsillitis, ito ay karaniwang hindi kailangan ng paggagamot, ito ay kusang gumagaling at ito ay banayad. Isa-isahin po natin kung ano ang mga common or mga symptoms na mararamdaman ng pasyente or ng bata na may tonsillitis.
Epekto ng sakit sa tonsil sa bata
So, syempre, unang-una, namamaga ang kanyang tonsils. Pag tiningnan ninyo, hindi siya yung, minsan nga parang halos yung daanan, yung nasa gitna, halos natakpan na, so parang naco-cover na niya, so ganun ang katindi minsan pagka namamaga ang tonsils. Syempre, may sore throat, pwedeng din siyang magkaroon ng loss of appetite, walang ganang kumain, posible na dahil merong infection dun, so hindi maganda yung hininga, may bad breath din siya, saka may excessive sa laway, yung mapaglaway siya, pwedeng din siyang nagsusuka.
Sabi nga din natin kanina, pwedeng may laringitis, kaya pwedeng namamaga pati yung kanyang larynx, masakit ang ulo, at saka pwedeng may nasal congestion. At dahil dito, pwedeng talaga silang magkaroon ng lagnat, minsan masyado pa talagang mataas na lagnat, at meron sila minsan na chills, pero minsan naman pwedeng wala. Tapos pag tiningnan ninyo yung kanyang tonsils, makikita ninyo dun na parang may mga patches, patches na makaputi-puti. Minsan, aside sa namamaga yung tonsils, at syempre dahil dito, masakit siyang lumulon, so sa mga batang bata pa talaga, nahihirapan sila, hindi sila kumakain, or ayaw nilang kumain dahil nga masakit yung paglulon, or minsan, yung iba na nagdedede pa, ayaw nilang magdede.
Aside pa sa pwedeng iritable yung bata, madalas umiyak, or in pain, or pagod, or parang nahihirapan talaga siya.
Paano gagamutin ang bata or ang mga tao na mayroong tonsillitis?
Actually, kapag ito ay viral, sabi nga di ba, minsan nawawala na lang siya kahit wala tayong iniinom na gamot. So, syempre, palakasin natin ang resistensya na lang nila, kailangan natin silang bigyan ng mga vitamins, tapos painumin ng mga nutritious na drinks, tapos yung mga foods nila, tapos pagpahingahin natin sila. Yan, yan, enough na yung mga home remedies na pwedeng gawin sa mga may tonsillitis, kasi nawawala siya kapag viral cause, usually hanggang seven to ten days, or minsan as early as that na gumagaling na agad sila.
Pero pwedeng din silang bigyan ng meron din mga binibili na mga lozenges, pwedeng din yon, meron ding mga pang-spray, meron din ginagamit as pang mouth gargle. Okay, so pwedeng yan yung mga over-the-counter, parang marelieve yung mga discomfort na nararanasan.
Next is yung antibiotic. So, kung ang bacterial ang cause, ito binibigyan sila ng antibiotics. So depende sa doktor, sa history ng pasyente nila, kung ano ang appropriate na antibiotic na pwedeng ibigay dun sa pasyente. So, ang karaniwan, binibigay ito ng seven days, tapos kung mas malala pa, pwedeng iextend yan hanggang ten days.
Yung antibiotics ay kailangan complete, tamang oras at sa tamang haba ng pagtitrip. Kailangan kumpleto yan, wag niyo ihihinto kapag naririnig na kayo ng inyong mga nararamdaman. So, syempre, ask for doctors’ prescribed pa rin.
So, yung iba ka, minsan kapag ka nagpacheck-up, sila nabibigyan na agad ng antibiotics. Siguro mga three to four days na hindi talaga umaayos yung pakiramdam ng bata, pwedeng silang mag-prescribe na agad as early as that, kasi nga para mas maging mabilis daw yung recovery. Tinatawag nila itong prophylactic, na kung ito ay bacterial cause, so pwedeng na silang bigyan ng antibiotic ng mga doctors nila.
So, yung pinakahuli na sinabi ko nga kanina, ay ito, pwedeng pinakalast na treatment na pwedeng gawin sa tonsillitis, lalo na kung ito ay chronic na, ay ang tonsillectomy, kung saan tinatanggal yung tonsils. So, anong mangyayari dito? So, wala na tayong proteksyon sa ating lalamunan dahil yun yung humaharang. Okay, so kung merong microorganism na papasok through by mouth, diretso na siya papunta dun sa loob.
Nakakahawa ba ang tonsilitis ng bata?
Actually, contagious siya kung gagamitin niyo yung same utensils, o kaya may mga droplets sa pamamagitan ng direct na pakikipag-halik na yan, so yun yung ginamit ng mga na nagamit ng laway, so syempre nandodoon din kasi yung microorganism, so pwedeng matransfer.
So, sino ba ang usually na nasa panganib kapag nagkakaroon ng tonsillitis?
Syempre, pwedeng din sa adult, so guys, ito ang mga naibahagi ko sa inyo, sana po ito ay nakatulong sa inyo, mga kaalaman tungkol sa ano ba ang tonsillitis, ano ba ang mga types ng tonsillitis, paano ito nadadiagnose, o paano malalaman kung merong tonsillitis, ano ba ang diagnostic na pwedeng gawin para malaman kung ano ang sanhi din ng mga tonsillitis, di ba sinabi natin, ano ang treatment, ano ang pwedeng nating gawin, at sino yung mga mapanganib na magkaroon ng mga tonsillitis.
Iba pang mga babasahin
Mabisang gamot sa tonsil ng bata: Tips at Home remedy
Gamot sa ubo ng baby 0-6 months old: Wastong kaalaman sa lunas