Ang ating pag-uusapan sa araw na ito ay isa sa mga sakit na ating nakikita ang pneumonia lalo sa bata. Ang pulmonya ay isang impeksyon sa baga kung saan nagkakaroon ng malubhang pamamaga at ito ang nagdudulot ng pagkasira sa baga. Mga mommies alamin natin ang mabisang gamot dito kasi delikado kapag nagkaroon ang bata, maraming kumplikasyon ito.
Paano nagkakaroon ng pneumonia ang bata
Ang mga air sacs kung saan dumadaloy ang hangin, o kayay tinatawag nating alveoli, ay nagkakaroon ng nana o kaya tubig, at ito ang nagdudulot ng sintomas ng pneumonia. Karaniwang napipigilan natin ang pulmonya, ngunit kung mahina ang ating resistensya, ang kondisyon na ito ay pwedeng lumala. Maaari din itong kumalat sa dugo o magkaroon ng mga komplikasyon tulad ng sepsis.
Ano nga ba ang sanhi o paano natin nakukuha ang pneumonia sa bata?
Ito ay nanggagaling sa mga microorganisms tulad ng viruses, bacteria, at fungi. Ang mga ito ay maaari nating makita sa ating mga ilong at lalamunan, at kung ito ay ating malanghap, magkakaroon ito ng sintomas sa baga. Maaari din nating makuha sa mga taong may ubo at sipon, at iyon ang ating tinatawag na droplet infection, kung saan tayo ay maaaring mahawa kung sila ay bumabahing o kaya umuubo.
Maaari nating masabi na posibleng pulmonya na ang kondisyon ng bata kung ang mga sumusunod na sintomas ay ating mapapansin. Ito rin ay nangangahulugan na kinakailangan na nating magpakonsulta sa ating mga doktor.
Ano ang mga karaniwang sintomas ng pulmonya sa bata?
Ang mga sintomas ay ang bata ay may ubo, lagnat, at isa sa mga sumusunod: kung ang bata ay hingal o hirap sa paghinga, kung ang bata ay may paglalim sa paghinga sa dibdib o ang tinatawag nating retractions, maaari din nating marinig na may ungol o kaya ang tinatawag nating grunting, at ito ay nangangahulugan na ang bata ay hirap na hirap na sa paghinga.
Paano malalaman na may pneumonia na sakit ang bata
Makatutulong din sa pagtukoy ng pneumonia ang ibat-ibang pamamaraan na ginagamit ng ating mga doktor, tulad ng.
1. Ang actual na pagsusuri o physical examination, at dito sinusuri ng doktor ang dibdib ng bata gamit ang stethoscope. Dito ay makakarinig tayo ng pagputok-putok o kaluskos sa bawat paghinga ng bata.
2. Gumagamit rin tayo ng chest X-ray, kung saan ito ang nagsasabi ng kondisyon ng baga. Ito rin ang magsasabi kung may pulmonya ang bata base sa mga research o sa ating pag-aaral, ang chest X-ray ay isa sa mga reference standard kung saan ito ay nagsasabi kung may pulmonya ang isang bata. Ibig sabihin na kung may sintomas ang bata at meron siyang positibong resulta sa kanyang X-ray, malamang na ang kundisyon ng ating pasyente ay nongo niya.
Subalit, may mga pagkakataon na normal ang ating X-ray, ito ay nangyayari sa mga panahon kung bago pa lamang ang bata nagkakasakit, kayat importante na ating iuugnay ang sintomas at ang mga laboratoryong pinapagawa natin.
3. May iba’t-ibang mga examination din tayong maririnig o makikita na pinapagawa ng ating mga doktor, ito ang mga complete blood count o kaya CBC, ang blood gas, o kaya mga procalcitonin. Ito ang mga examination na ginagawa sa dugo at ito ay nakakatulong sa pagtukoy ng nomonya sa ating mga pasyenteng bata.
Ang unang dapat gawin ay magpakonsulta sa doktor. Marami tayong klase ng nomonya, kung ang ating nomonya ay bacterial, ang gamot na ibibigay ay antibiotic, kung saan ito ay papatay sa bacteria. Maaari itong inumin sa loob ng pitong araw, subalit may mga pagkakataon din na tayo’y umaabot sa 10 hanggang labing-apat na araw ng gamutan, at ito ay depende sa sintomas ng ating mga kabataan.
Ano ang viral pneumonia na sakit ng bata
Ang viral pneumonia naman ay hindi kasing laganap ang sintomas kumpara sa bacterial. Karaniwan ay nalalampasan ng isang malakas na katawan at malakas na resistensya. Ang mga sintomas ng nomonya, pinapayuhan natin ang mga magulang ng tinatawag nating supportive medications, ito ang pagbibigay ng gamot para sa lagnat at ang pagdadagdag ng ating iniinom na tubig.
May mga pagkakataon naman na kung saan ang mga bata ay may ibang kundisyon at ito ang nagiging rason kung bakit nagiging mahina ang kanilang resistensya. Ang mga bata naman ay binibigyan natin ng antiviral na gamutan. May mga pagkakataon naman na tayo’y nagkakaroon ng co-infection, kung saan sa umpisa ay viral infection pa lamang, pero sa kahulihan ay magkakaroon din ng bacterial infection. Dito mapapansin natin na ang mga sintomas ng bata ay magkakaroon ng biglang matataas na lagnat o kaya ang hingal ay mas lumalala, kayat mainam na ating mabantayan ang mga sintomas ng ating anak at agarang pagkukunsulta ang kailangang magawa.
Kailan dapat dinadala sa hospital ang bata na may pulmonya
Kinakailangan ng admission sa ospital ng bata kung siya ay may kaakibat na ibang kundisyon tulad ng hingal na hingal, mabilis na paghinga na nalampas sa normal para sa edad, kung siya ay may pangingitim, at kung bagsak ang ating oxygen saturation. Ang mga bata na hindi nakakakain o kaya hindi nakakainom ng oral na antibiotic ay kinakailangan ding maadmit sa ospital.
Makatutulong din sa pag-ospital ang mga batang sobrang payat o kaya malnourished, at kung ang pamilya ay hindi makakapagbigay ng nararapat na gamutan at pag-aalaga, dagdag sa antibiotics ang pagbibigay ng oxygen support sa mga bata na hinihingal. Mayroon din tayong binibigay na antipyretics, iyon ay para sa lagnat, nagbibigay din tayo ng intravenous fluid o ang naririnig natin pag naaadmit ang bata, IV o kaya swero, ito naman ay para sa mga dehydrated.
May mga pagkakataon naman na kung baga maluluha ang kondisyon ng kanilang pulmonya, ay kinakailangan nating ang tulong ng ventilator o makina sa paghinga. Ang pulmonya, kung hindi agad matutukoy at magagamot, ay posibleng lumubha at magkaroon ng komplikasyon tulad ng mga sumusunod: maaaring magkaroon ng abnormal na tubig at ito ay ating tinatawag na pleural effusion o kaya empyema, kung magkakaroon naman ng nana sa baga, ang tawag naman natin ay lung abscess.
Ang mga ganitong komplikasyon ay nagiging sanhi ng di-agad pagaling ng bata at matagalang gamutan sa ospital .
Paano makaiwas ang mga bata sa pagkakaroon ng sakit na pulmonya
Ika nga, prevention is better than cure. Ang pneumonia o pulmonya ay kayang maiwasan. Ang ating layunin ay patibayin ang ating katawan at palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng tamang pagkain, ehersisyo, at tamang pahinga. Pangalawa, ang hygiene. Panatilihin nating malinis ang ating katawan at ang paghuhugas ng ating mga kamay. Alam natin na madaming sakit ang kumakapit sa ating mga kamay, kaya ugaliin ang paghuhugas ng ating kamay. Kung tayo ay may ubo at sipon, ugaliin din ang mag-isolate o gumamit ng face mask, tatakpan ang bibig sa bawat pag-ubo at bahing. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang tyansa ng pagkakahawa-hawa sa loob ng isang bahay.
At ang panghuli, ating sikapin na kumpletuhin ang immunization ng ating mga anak. Ito ang flu, pneumococcal vaccine, Haemophilus influenzae type B vaccine, at pertussis. Ito naman ang aking huling mensahe: Ang nomonya ay magagamot, ang nomonya ay maiiwasan. Tulong-tulong tayo sa pag-aalaga sa ating mga kabataan. Kung may sintomas o nararamdaman, agarang pagkonsulta ang kinakailangan.
Listahan ng Pedia clinic sa Rizal
Children’s Care Clinic
- Doctor: Dr. Chrizarah San Juan Vergara, MD, DPPS
- Location: Antipolo City, Cainta, Teresa, Rizal
- Services: General Pediatrics, both face-to-face and online consultations
- Contact: You can visit their website for more details and appointment bookings.
Clinica Antipolo Hospital and Wellness Center – Pediatric Department
- Doctors:
- Dr. Antoninette Louiese P. Pangilinan
- Dr. December Ann T. Tabar
- Dr. Marielet Joy Murillo
- Dr. Albert O. Latumbo
- Location: L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo, 1870 Rizal
- Contact: Specific contact details are not listed; you may need to contact the hospital directly for more information.
San Juan Clinical And Anatomical Laboratory
- Doctor: Dr. Cheryl Reyes
- Location: J.P. Rizal Street, San Isidro, Taytay, 1920 Rizal
- Contact: Specific contact details are not listed; you may need to contact the clinic directly for more information.
TEETH OPTIONS Dental Care Center
- Doctor: Dr. Mark Patrick O. Nueva
- Location: 2nd Floor Halina Building, Km. 22 Ortigas Avenue Extension, San Isidro, Taytay, Rizal
- Contact: Specific contact details are not listed; you may need to contact the clinic directly for more information.
Apex Diagnostic Clinic
- Doctor: Dr. Jeruscha Domingo
- Location: Megathon Building, L. Sumulong Memorial Circle, San Roque, Antipolo, 1870 Rizal
- Contact: Specific contact details are not listed; you may need to contact the clinic directly for more information.
Iba pang mga babasahin
Gamot sa ubo ng bata na walang reseta
Antibiotic para sa Beke ng bata – Kailangan ba talaga?