Kapag medyo malamig ang panahon at maraming nadidrink na fluids ang baby, expect mo na every two to three hours, umiihi talaga sila. Pero may isang sakit na tinatawag naming diabetes insipidus. Kapag wala pang fifteen minutes, ihi ulit ng ihi, kung ganun kadalas ang pag-ihi ng bata, importante na magpacheck-up sa doktor at gawin ang urinalysis sa bata.
Narito ang iba pang katanungan sa posibleng abnormal na pag ihi ng bata.
Sobrang panghi ng ihi ng anak ko, normal lang ba yan?
Ang ating ihi ay isang paraan ng katawan natin para ilabas ang dumi, partikular ang ammonia. Kaya yun ang naaamoy natin na medyo masangsang na ihi. Kapag ang ihi natin ay concentrated dahil tayo ay dehydrated o marami tayong nakaing protein, at ang ating kidneys ay may problema, oo, sobrang panghi ng ihi. Kaya siguraduhing umiinom ka ng tama at ang kidneys mo ay okay.
Laging may stain ang underwear o diaper ng anak ko, dapat ba akong kabahan?
Isa sa mga dahilan para magpa-check-up ang mga mommies and daddies sa akin ay ang mga stain sa diaper o underwear ng bata. May yellow, orange, o brown na stain sa diaper o panty/brief.
Ganito yan, mga mommies. Sa mga newborn, mga one to two days of life or first week, ang mga stain na kulay orange sa diaper nila na may kasamang konting parang powder o maliliit na crystal, normal pa yan sa mga babies na one week old. Kulay orange ang wiwi, may konting crystals, normal po yan, so walang dapat ikatakot.
Pero kung ang bata eh four to five years old na toddler, at makikita natin ang brown, sobrang yellow na stain, o bloody stain, kailangan nating i-check kung talaga bang nanggagaling sa pepe o titi, o baka naman sa puwet dahil may sugat ang puwet o may diaper rashes na nagsusugat dun. Kailangan itong i-check-up sa doktor at gawin ang urinalysis para malaman kung ano yung stain na yun.
Laging nagpipigil ang anak ko, okay lang ba yun?
May mga bata na nagpipigil sa ihi, pero importante na mailabas nila ang dumi ng katawan natin. Kaya kailangan, pag naiihi na ang bata, eh courage them para umihi. Dapat ang bata, at least every three to four hours umiihi. Pag sobrang tagal na hindi pa rin umiihi, baka naman dehydrated na o kulang na sa tubig. O kaya naman kung sobra, katulad ng pagkakasabi ko, every thirty minutes eh umiihi, may problema din yan. Dapat ito ay two to three hours, o kaya four hours, hanggang sa pinakamatagal na six hours sa isang mainit at maalikabok na araw na pawis na pawis ang bata.
May dugo sa ihi ng baby ko, anong gagawin ko?
Ang dugo sa ihi ng bata, karaniwan ang kulay nun ay kulay tsaa, kulay ice tea, o kulay brown na smokey at malabo ang kulay. Mas makakasigurado tayo kung makakagawa kayo ng urinalysis. Red flag yan, kailangan niyong ipacheck-up agad sa doktor, lalo na kung may kasamang pamamaga o pamamanas. Maaari itong sintomas ng namamagang kidney o hemoragic cystitis, o namamaga ang pantog. Pero pwede rin naman sa mga teenager na babae, baka naman may menstruation lang siya kaya nung umihi siya, kasama lang yung dugo dun sa ihi niya. Better to be sure, kaya pacheck niyo sa inyong doktor.
Bakit kaya sobrang dilaw ng ihi ng anak ko?
Karaniwan ang normal na ihi, ang tawag ay “amber colored.” Yung dilaw na malinaw at nagiging dark ang pagkadilaw ng ihi kapag ang ihi ay concentrated o kulang sa fluid ang tao. Kaya importante, kung talaga pong palaging sobrang dilaw ang ihi, uminom ng maraming tubig at kung hindi magbabago, magcheck-up sa inyong doktor.
Walang halos kulay ang ihi ng anak ko, okay lang ba yun? Sobrang light o parang tubig na yung ihi, tapos sobrang dalas ng ihi, every five minutes umiihi na po.
Karaniwan ang dahilan, sobra naman kung merong kulang sa tubig, eto namang mga taong to sobra naman sa tubig. O kaya naman meron po silang problema sa isang maliit na porsyento, yung tinatawag na diabetes insipidus, kung saan ang katawan niya ay hindi kayang iconcentrate ang ihi. Pag ganun, kailangan ding magcheck-up sa doktor.
Dapat ba punuin ang diapers bago palitan? Kasi nagtitipid ako ngayon eh.
Isa sa mga payo ko sa mga new moms o sa mga may newborn, o kaya sa mga nagche-check up ng mga mommies, ang tungkol sa pagpapalit ng diaper. Ang diaper po, dapat kada basa o kada malagyan siya ng pupu, dapat tinatanggal agad, as much as possible. Kung medyo nagtitipid, importante talaga pag may pupu, linis agad, dahil ang mikrobyo ng pupu at ang acidity ng ihi at dumi, maaari talagang mag cause ng pagsusugat at impeksyon sa diaper area ng bata, sa pwet ng bata, o sa singit ng bata. As much as possible, at least every four hours palitan, o kung basa na siya ng wiwi at pupu, palitan agad.
Iba pang mga babasahin
Gamot sa tigdas hangin ng bata home remedy
Gamot sa mabahong tenga ng bata : impeksyon sa tenga