Normal ba ang sinok o hikab sa baby? Kapag ang sanggol ay nagsisinok, ang cute pakinggan ang tunog nito, pero maaari kang nagtataka kung ito ba ay normal. Oo, ito ay normal. Ang mga hikab sa sanggol at bagong pang anak ay hindi masama. Ito ay isang tanda lamang ng babies’ growth and development.
Bakit sinisinok ang mga sanggol?
Ang mga hikap na nangyayari sa gastrointestinal track ay halos hindi nagpapahiwatig ng problema sa mga sanggol. Sabi ni Dr. Crystal Joy For Genie ang mga hikab ng bata ay sanhi ng mga spasm sa maliit at developing diaphragm ng sanggol. Ang malaking muscle sa ilalim ng rib cage ay gumagalaw pataas at pababa habang humihinga. Walang nakakasigurado kung bakit nagsisinok ang mga spasms na ito, ay maaaring matrigger ng maraming mga bagay.
Ang mga hikap ng bagong pang anak ay madalas na sanhi ng sobrang pag-inom ng sanggol, masyadong mabilis na pagkain o paglunok ng maraming hangin. Ang alin man sa mga bagay na ito ay maaaring humantong sa stomach distension. Sabi ni Dr. For Genie, kapag ang stomach ay distended, tinutulak nito ang diaphragm na siyang sanhi ng spasm at hiccup.
Ang mga hiccup ng sanggol ay maaari ding maging resulta ng biglaang pagbabago sa temperatura ng tiyan, sabihin halimbawa, binibigyan mo ang sanggol ng malamig na gatas at pagkatapos ng ilang minuto ay pinapakain sila ng ilang mainit na cereals. Ayon kay Dr. For Genie, ang kombinasyong ito ay maaaring magpalitaw sa mga hikab ng sanggol.
Paano mapapahinto ang pagsisinok ng bagong panganak?
Sa katunayan, ipinahiwatig ng isang pag-aaral sa 2019 na ang mga hikab ay maaaring mahalaga sa pagdevelop ng utak ng sanggol. Ang mga hikab sa mga sanggol ay isa sa pinakamaagang nadevelop nila habang sila ay nasa sinapupunan.
Ngunit kung ang iyong sanggol ay tila hindi komportable, narito ang ilang mga tip.
Isa, pagpahingahin at padighayan ang baby. Ang pagpapahinga mula sa pagpapakain para padighayan ang sanggol ay maaaring mabawasan ang dami ng hangin sa kanilang tiyan, maiiwasan ito ang mga hikab. Ayon sa American Academy of Pediatrics, magandang ideya na panighayan, burp ang mga sanggol na bottle-fed kada makaubos ng dalawa hanggang tatlong onse. Kung ang iyong sanggol ay breastfed, padighayan ito pagkatapos nilang lumipat sa kabilang breast.
Rub o dahan-dahang tapikin ang likod ng iyong sanggol kapag mayroon silang mga hikab, ngunit huwag gawing malakas. Dalawa, bigyan sila ng pacifier. Ang pagsuso sa isang pacifier maaaring makatulong upang makapagpahinga ang diaphragm at ihinto ang pagsisinok.
Tatlo, pagpapakain sa kanila ng grape water. Ang grape water ay isang kombinasyon ng mga halaman at tubig na pinaniniwalaan ng ilan na makakatulong sa kabag, colic, at iba pang mga intestinal discomforts, kahit na walang ebidensya na sumusuporta dito. Ang mga halaman na karaniwang nilalaman ng grape water ay kinabibilangan ng ginger, fennel, chamomile, cinnamon. Bago mo bigyan ang iyong sanggol ng anumang bago, palaging inirerekomenda na talakayin mo ito sa doktor ng iyong sanggol.
Apat, hayaan lamang ang sinok hanggang huminto ng mag-isa. Ang mga isang buwan na sanggol ay halos madalas na magsisinok mas madalas kaysa sa hindi. Ang mga hikab ng iyong sanggol ay titigil din ang mag-isa. Kung ikaw ay nababahala sa hindi paghinto ng sinok, ipaalam ito sa kanilang doktor. Bagaman bihira, posible na ang mga hikab ay maging isang tanda ng isang mas seryosong issue sa medikal.
Ano ang hindi dapat gawin para sa mga sinok ng sanggol?
Huwag gulatin o takutin ang sanggol upang labanan ang mga hikab, talaga wala sa mga bagay na iyon ang gumagana. Sabi ni Dr. Robin Jacobson, huwag maglagay ng basang tela sa kanilang noo na hindi rin magpatulong. Ang pagpigil ng hininga ay hindi dapat subukang gawin sa sanggol, ito ay mapanganib. Maraming mga tao ang inirerekomenda ang paghila sa dila ng sanggol at pagpindot sa nuo o anterior fontanelle, ang malambot na bahagi ng ulo ng sanggol. Sabi ni Dr. For Genie, ngunit maaari nitong masaktan ang sanggol. Sa pangkalahatan, ang pinakamahusay na bagay na dapat gawin ay ang hintayin na kusa itong huminto.
Paano maiiwasan ang pagsinok ni baby?
Mayroong ilang mga paraan upang makatulong na maiwasan ang mga episode ng sinok. Gayon pa man, mahirap pigilan ang mga hikab ng iyong sanggol ng ganap dahil ang mga sanhi ay hindi pa malinaw. Maaari ding magkaroon ng mga natukoy na mga benepisyo.
Subukan ang mga pamamaraang ito upang makatulong na maiwasan ang mga hikab.
Tiyaking kalmado ang iyong sanggol kapag pinakain mo sila, nangangahulugan ito na huwag maghintay hanggang sa ang iyong sanggol ay nagagalit na sa gutom at umiiyak bago magsimula ang kanilang pagpapakain.
Pagkatapos ng pagpapakain, iwasan ang mabibigat na aktibidad kasama ang iyong sanggol, tulad ng pagbounce pataas at pababa o pagplay ng mataas na enerhiya. Panatilihin ang iyong sanggol sa isang tuwid na posisyon sa loob ng dalawampung hanggang tatlumpung minuto pagkatapos ng bawat pagkain.
Iba pang mga babasahin
Ano gagawin kapag naglulungad ang baby?
Bulutong tubig sa bata nakakahawa ba? Sintomas, sanhi at gamot