Kapanganak ni baby, meron na siyang kakayahang bumahing o mag-sneeze dahil sa taglay nitong reflex. Madalas, mapapansin ng mga nanay na dumadalas ang pagbahing ni baby at mapapatanong na lang si mommy na normal lang ba ito.
Dahilan ng Pagbahing ng Baby na 0-3 months old
Merong iba’t ibang mga kadahilanan para sa isang bagong panganak na pagbahing ng marami. Ipinapahiwatig ng pagbahing na gumagana ng maayos ang nervous system ni baby dahil ang pagbahing ay isang reflex na kinokontrol ng utak. Ito ay ganap na normal para sa mga bagong panganak na sanggol na mas madalas na bumahing kasabay ng paghikab, pagdura, pagsinok, burping, at girgling.
Dahil maliit ang daanan na ito sa mga baby, madali itong magbara dahilan ng kailangan nitong laging ma-clear. Ang mga baby ay kinakailangang bumahing para maiclear o maialis ang mga sumusunod.
-mucus
-smoke
-dust o alikabok
-gatas sa ilong pagkatapos dumede
Ang pinaka common na dahilan ng pagbahing sa mga baby ay reflex. Tulad ng nasabi kanina, normal lang na bumahing ang sanggol dahil kinakailangan niya itong gawin upang luminis ang daanan sa ilong. Kung bumabahing si baby, ninety percent of the time, normal reflex lang ito.
So ano po yung ten percent doc? Well, hindi naman all the time ay normal ito. Maaaring pa din na abnormal ito at tumutukoy na may sakit si baby. Sipon, ubo, barado ang ilong, or allergy ang mga halimbawa kung bakit nag-iisnice si baby maliban sa reflex.
Ano ang pwedeng gawin para matigil ang pagbahing?
Wala pero pwede natin tulungan si baby para maiclear niya ang kung ano man ang nakabara sa ilong. Kung gatas man ito, after padedehin si baby, pwede natin siya ulit padighayin kahit na padighay na.
Kailan naman siya pwedeng dalhin sa doktor?
Maaaring dalhin si baby sa doktor kapag may kasamang sipon o runny nose, ubo ng ubo, nilalagnat, mabilis at nahihirapang huminga.
Iba pang mga Babasahin
Pwede bang pagsabayin ang 2 Vitamins sa Baby?
Hirap tumae ang Baby : Mga gagawin kapag constipated
3 thoughts on “Bahing ng bahing si Baby 0-3 months old: Normal lang ba ito?”