Pag-uusapan natin sa article na itokung ano nga ba ang ibig sabihin ng halak, paano mo ba malalaman na halak na ba ‘yung na-experience ng baby mo, ano yung mga sanhi nito, at paano mo siya gagamutin. At kailan mo malalaman na emergency na at kailangan munang kumonsulta sa doktor.
Pangamba ng parents sa Halak ni Baby
Alam niyo, tayong mga mommy, very paranoid tayo, or ako lang ba? Pero kayo rin ba yung mga mommy na talagang bawat paghinga ng baby mo pinagmamasdan mo, kahit na natutulog na siya sinisilip mo pa rin siya, tinitingnan mo kung humihinga pa ba siya, kung gumagalaw yung chest niya? Basta lagi niyo lang chinicheck si baby. Kaya alam niyo, kapag there’s something wrong sa mga baby niyo, eh mapapansin at malalaman niyo rin na merong kakaibang tunog na nilalabas si baby niyo, lalo na kapag sanggol pa si baby. Bantay na bantay natin sila.
Minsan nalilito ka kung ano ba yung mga sounds na naririnig mo kay baby, kung meron ba siyang plema or sinisipon ba siya. Ipaliwanag natin sa article na ito kung ano ba yung maririnig niyo kapag merong halak si baby, or ano ba yung halak.
Ano ang sintomas ng halak sa Baby
Ang halak, in English, is “gargle.” Ang halak po ay tunog sa dibdib ng sanggol na mapangit, maririnig mo lang ‘to kapag ang baby ay merong plema or merong laway or gatas na nasa baga niya. Para kang may naririnig na nagmumumog or nagbububbles sa dibdib ng baby mo. Ganun exactly yung tunog ng halak, maririnig niyo siya kahit tulog si baby or kahit gising, pwede niyo rin siyang marinig kapag ididikit niyo yung tenga niyo sa likod ni baby.
Ang halak kasi sa mga nanay, para siyang general term kumbaga, any sounds na maririnig nila sa dibdib ng sanggol, halak ang tawag nila dun. Pero marami kasing binibigay na sounds yung dibdib ng sanggol kapag meron silang kakaibang nararamdaman kasi bawat sakit ng baga, may corresponding sounds yan, or meron talagang tunog na para lang doon sa sakit na ‘yon.
So paano niyo malalaman, paano niyo madidiferentiate na halak pa ba ‘yun or there’s something wrong na talaga sa baby niyo?
Kapag natutulog sila at merong kayong naririnig na parang hilik na sounds, sanggol pa lang di ba humihilik na, hindi normal yun. Possible na namamaga yung tonsils ni baby or meron siyang tonsillitis. Minsan, kapag may naririnig silang sounds na parang pumipito, halak na rin yung tawag nila dun. Kapag pumipito si baby at nahihirapan siyang huminga, possible na meron siyang asthma. At kapag ganun, yung mga sakit po na ‘yun, kailangan niyong kumonsulta na sa doktor.
Ano ba yung mga sanhi kung bakit nagkakahalak or nagkakaroon ng halak yung mga baby?
Ang usual cause ng halak is kapag sobrang dami na ang nadede ng baby niyo. So kapag sobra-sobra na yung gatas na nasa tiyan ng baby niyo, meron lang siyang tatlong butas na lalabasan.
-una diyan is pwedeng sa bibig, yung parang naglulungad sa dahil nga sa sobrang kabusugan
-pwede rin sa ilong, kaso masakit po yun, parang ayaw natin maexperience yun ng baby natin
-lastly, pwede siyang pumasok sa baga.
Yan na yung time na makakarinig na kayo ng halak dahil nga merong laway or merong milk sa baga ng baby niyo, kaya makakarinig na kayo ng bubbles, bubbles kapag humihinga siya.
Nangyayari lang naman ‘yun kapag sobrang busog si baby, sobrang dami niyang milk sa tiyan at hindi nakakababa ng maayos yung gatas niya sa loob ng tiyan niya. Possible dahil sa posisyon, dahil nga nakahiga siya agad after niyang padedehin, o kaya nadadaganan niya yung tiyan niya kaya naiipit.
Ngayon, mga mommy, kapag may naririnig kayong halak or may naririnig kayong sounds everytime na humihinga siya, alamin niyo kung saan nanggagaling.
Ano naman yung mga dapat niyong gawin kapag merong halak si baby?
Dahil nga ang most common reason ng halak is due to excess milk na nadede ng baby niyo, syempre every feeding niya, kailangan niyo siya talagang padighayin para mailabas niya yung excess air or excess hangin sa tiyan niya para ma-accommodate niya yung milk na nadede niya.
Second, ibahin niyo yung posisyon kapag kayo ay nagpapadede kay baby. Dapat kapag kayo ay magpapadede, nakataas ang ulo ng baby para diretso agad bumababa yung nadedede niya, specially sa mga newborn, very particular na magpadede kayo in upright position. Wag kayong magpapadede na nakahiga si baby, yung totally flat on bed tapos nakaside lang kayo, wag po muna, tulungan niyo muna sila na lunukin and i-digest ng maayos yung milk na nadedede nila.
Baguhin niyo rin yung posisyon ni baby kapag nailapag niyo na siya, pwede siyang nakahiga pero medyo nakataas yung ulo, pwede niyo siyang lagyan ng unan, or pwede ring nakatagilid para in case na lumuwag man siya, nakatagilid siya hindi niya aaspirate yung milk na nadede niya. Pwede rin namang nakadapa, pero be sure na ichecheck niyo siya from time to time kasi baka naman di na siya makahinga sa posisyon na ‘yun.
Minsan ang pedia kapag narinig na may halak ang baby pwede siyang magprescribeng nasal drops, specifically Salinase. Ang instruction niya sa patakan ng Salinase yung ilong niya, yung dalawang butas, tapos after nun, i-aspirate or higupin yung sipon niya or yung secretions doon sa ilong niya ng nasal aspirator.
Ang purpose kasi nun is para maliquify or para lumabnaw yung sekresyon na nasa ilong ni baby, either sipon o kaya milk, para mailabas mo siya at hindi siya tuluyan pumunta sa baga.
Pwede niyong gawin na habang pinapaburp niyo si baby, tapik, tapikin niyo yung likod niya para mas matulungan niyo siyang ilabas yung plema sa baga niya at mapaburp niyo din siya. Kapag tatapikin niyo yung likod ni baby, dapat nakaganitong pwesto yung kamay niyo, “cup hands” ang tawag dito. So tatapikin niyo siya ng ganyan, paakyat. Yan sa paraang ganto kasi mas natutulungan niyong padighayan si baby at mas nailalabas niyo yung extra situation na nasa baga niya. Mas na nagagalaw niyo yung mga nakadikit na gatas, plema or laway sa baga niya.
At wag kayong mag-worry, mga mommy, halak is normal and common talaga sa mga sanggol, especially newborn, kasi nga syempre hindi pa talaga fully develop yung tiyan nila, yung lungs nila at madalas pa silang lumungad. Usually po, mga mommy, ang halak po talaga is nawawala din, pero kapag hindi nawala at merong other symptoms na minamanifest si baby, kailangan mo na ring kumunsulta sa doktor.
Kailan mo ba dapat ipacheck up si baby na may halak?
Ipacheck up mo si baby kapag meron siyang halak, tapos meron din siyang ubo at saka sipon, tapos yung ubo at saka sipon na ‘yun tumatagal na ng one week. Kapag ganun, syempre magwoworry ka na din di ba? Kailangan mo na siyang ipacheck up.
Pangalawa, kapag merong halak, tapos ubo at sipon yung three months old mo na baby. Next, kapag may halak plus may fever, any fever talagang magwoworry ka di ba kasi pag may fever there’s something wrong sa katawan mo, merong infection either bacteria man yan or viral at kailangan magpacheck up sa doktor para malaman kung ano yung sanhi, kung bakit ba nilalagnat si baby.
Next, kapag narinig niyong may halak at nakikita niyong nahihirapan na huminga si baby, kailangan niyo ng kumonsulta sa doktor. Next, kapag napansin niyong na si baby may halak, tapos namumutla na, nagbobolbok na yung labi niya, tapos ang pale pale na ng itsura niya, kailangan niyo na agad isugod yun sa hospital.
At lastly, kapag napansin niyong matamlay, hindi dumedede, hindi kumakain, tulog lang ng tulog, pag walang gana, hindi siya masigla, di siya ang nag-iiyak, kailangan niyo ng kumunsulta sa doktor, emergency situation, meron or something wrong kay baby kaya siya ganun, kailangan niyo na siyang ipacheck up agad.
Ano ba yung mga gamot na pwede niyong itake at mga remedy sa bahay para sa halak ng baby
Meron mga home remedies na pwede niyong gawin sa bahay at masasabi kong effective dahil ako mismo ginawa ko iyon sa baby ko. Ito ay mga herbal medicines.
Noong unang panahon, hindi naman talaga uso or hindi pa nila nadidiscover yung gamot sa ubo, yung gamot sa sipon, herbal medicine lang talaga or herbal plants lang talaga yung mga ginagamit nung mga unang panahon, yung mga ninuno natin di ba?
First is lagundi. Ang effect kasi ng lagundi is pampalambot ng plema, kapag malambot ang plema, mas mabilis mo siyang mailalabas. Kapag nailabas na yung plema sa baga mo, mas gumiginhawa or mas lumuluwag na yung paghinga mo. So preparation dun is pinapakuluan yung lagundi, yung katas ng pakulo, yun yung papainumin mo kay baby, or after mo siya mapakuluan, didikdikin mo yung katas nun, yun yung papainumin mo kay baby. I-tanong lagi sa pediatrician mo ito para mas malinaw ang gagawin.
Second one is yung oregano. Ang ginagawa naman is pinapakuluan yung dahon ng oregano, tapos pag napakuluan na siya, malinis na siya, dikdikin mo yung dahon na yun, tapos yung katas nun kuhanin mo sa dropper. So kapag nasa dropper na siya, yun na yung pinapainom sa baby, diretso na yun. Sometimes pwede mo lagyan ng kalamansi kasi nga ang pait ng oregano .
Yung oregano kasi is also an antibacterial, isa rin siyang ekspektorant or nakakatulong siya para mailabas yung plema na nasa baga.
Another herbal plant na ginagamit is yung malunggay. Ganun pa rin yung paraan, papakuluan yung malunggay, tapos didikdikin yung katas, yun yung papainom kay baby. Very powerful itong plants na ‘to kasi nga may bacterial siya, nakakaboost siya ng immune system at saka marami siyang health benefits.
Pero depende pa rin po sa inyo syempre kung kayo ba ay magpapacheck up or susundin yung advice ng doktor, which is good, or magtatry kayo ng mga herbal plants or herbal medicine para sa baby niyo.
Conclusion
Ang advice ko lang po is kapag meron kayong naririnig na any sounds kay baby, kapag feeling niyo there’s something wrong, icheck nyo ng mabuti, iassess nyo ng mabuti si baby nyo kung saan nanggagaling yung tunog, anong klaseng tunog para just in case na magpapacheck up kayo, maeexplain niyo ng maayos sa inyong mga doktor kung ano yung nararamdaman ng baby niyo. Dahil first and foremost, kayo lang naman ng mga nanay or parents ang tatanungin ng doktor kung ano yung nararamdaman or napapansin niyo sa baby niyo.
Ang advice ko lang, syempre, kailangan maging observant kayo sa mga nararamdaman or nakikita niyo kay baby. Kapag nakita niyo na hindi tama, hindi normal, or something wrong, maagapan niyo agad ng maaga. Syempre, mas mabuti pa din na mapacheck up niyo as early as possible para matreat ng maaga, hindi na lumala.
Iba pang mga babasahin
Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas
5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby
5 dahilan kung bakit kailangan ng pediatrician sa check up ng Baby
Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad
One thought on “Mabisang gamot sa halak at ubo ni Baby para mawala”