Gusto mong makasigurado kung tama ang pagpapaburp kay baby. Hindi siya agad nakakadighay o hindi talaga siya makadighay. Sinusuka lang niya pagkatapos magpaburp. Alamin lahat yan dito sa article na ito.
Bakit mahalaga na mapadighay si Baby?
Ang pagpapadighay ng sanggol ay isang mahalagang skill para sa magulang. Kasama talaga ito sa pag-aalaga kay baby dahil makakatulong ito sa pag-alis ng kabag sa tiyan ni baby habang at pagkatapos dumede. Bakit ba kailangan ipaburp? Kapag walang kabag si baby, mas marami ang kanyang madededeng gatas dahil mas marami na ang espasyo sa loob ng kanyang tiyan.
Kailan ba dapat padighain si baby?
Pagkatapos dumede ni baby, breastfeeding o bottle feeding man yan, subukan mo siyang padighain. Kung nakaidlip naman si baby pagkatapos dumede, huwag mo na siyang padighain. Hinding-hindi mo makakalimutan ang pagpapaburp kay baby dahil pagkatapos dumede, iiyak at iiyak siya dahil gusto niyang magpaburp.
Gaano kadalas magpadighay?
Ang dami at dalas ng pagpapadighay ng sanggol ay nakadepende sa bawat baby. Kailangan padighain ng at least isa ang baby kapag pinapainom gamit ang bote. Kapag breastfeeding naman, padighain agad kung sakaling ililipat siya sa isang breast para painumin ng gatas. Minsan hindi masyadong kailangan na padighain ang mga breastfeeding na baby kumpara sa mga baby na dumedede sa bote. Bakit? Sapagkat kadalasang kokonti lang ang hangin na pumapasok sa tiyan ni baby kapag siya ay dumedede kay mommy. Tulad nga ng nabanggit kanina, depende ito sa bawat baby kaya kailangang tignan ng maigi si baby para malaman mo kung gaano mo dapat kadalas ang pagburp.
Paano nakukuha ang kabag o hangin sa tiyan?
Nangyayari ito kapag may pumapasok na hangin sa kanyang tiyan sa tuwing umiinom ng gatas. Ang mga hangin na ito ay mananatili sa kanyang tiyan at magdulot ng hindi komportableng kalagayan sa iyong baby. Ito rin ang dahilan kung bakit nabubusog agad si baby kapag umiinom ng gatas. Mahalagang padighayin si baby para hindi sumakit ang kanyang tiyan at hindi agad mabusog.
Ano-ano ang mga techniques para magpaburp si baby?
Maaaring makatulong sa iyo ang limang paraan na ito kung paano ang tama at epektibong pagpapadighay ng sanggol.
Padighayin ng Patayo sa Balikat
Ito ang pinakamadalas na paraan ng pagpapadighay ng sanggol. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghawak kay baby sa patayong posisyon at pagpwesto sa kanya sa iyong balikat habang nakasuporta naman ang iyong isang kamay sa kanyang ulo.
Padighayin ng Patayo sa Kandungan
Isa pang paraan ng pagpapadighay ng sanggol ay ang hawakan si baby sa iyong kandungan at ihilig siya ng pasulong. Tapikin ng marahan ang likod ni baby habang paikot itong hinahaplos.
Pagpapadighay ng Padapa sa Kandungan
Isa pang paraan ay ang padapain si baby sa iyong kandungan habang ang isa mong kamay ay nakasuporta sa kanyang dibdib. Salitang haplusin ang likod ni baby at marahang tapikin para dumighay.
Baluktot ang Tuhod Patungo sa Dibdib
Kung nahihirapang dumighay si baby gamit ang mga unang nabanggit na paraan, subukan naman ang pagpapadighay ng pa-upo si baby. Bahagyang ibaluktot ang kanyang tuhod patungo sa kanyang dibdib para matulungang dumighay si baby.
Pagpapadighay Habang o Pagkatapos Dumede ni Baby
Para mas madaling pagpapadighay ng sanggol, subukan ang paraan ng pagpapadighay habang dumedede at pagkatapos dumede ni baby. Ang pagpapadighay bago dumede ay makakatulong upang maginhawaan si baby sa pagdede.
Listahan ng Pedia Clinic sa Quezon Province
Lucena United Doctors Hospital and Medical Center
- Address: Maharlika Highway, Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 710-1531
Quezon Medical Center
- Address: Isabang, Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 373-0324
St. Anne General Hospital
- Address: Brgy. Silangang Mayao, Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 710-2200
Mt. Carmel Diocesan General Hospital
- Address: Doña Aurora Blvd., Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 710-2062
Mina de Oro General Hospital
- Address: A. Mabini St., Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 710-2501
Holy Rosary Hospital
- Address: Quezon Ave., Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 373-0315
The Medical City South Luzon (Tayabas)
- Address: Lucena Diversion Road, Brgy. Domoit, Tayabas, Quezon
- Phone: (042) 710-4567
Manuel S. Enverga University Foundation Hospital
- Address: Enriquez St., Lucena City, Quezon
- Phone: (042) 373-0000
Perez Medical Center
- Address: Gov. Panopio Ave., Pagbilao, Quezon
- Phone: (042) 731-1164
Our Lady of Lourdes Hospital (Gumaca)
- Address: Brgy. Villa Victoria, Gumaca, Quezon
- Phone: (042) 317-8180
Iba pang mga Babasahin
Ano ang gamot sa halak ng bata? Pwede maging pulmonya
6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old
Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby
One thought on “Tips paano mapa-Burp o dighay si Baby”