November 30, 2024
Ubo

Gamot sa ubo ng bata na walang reseta

Kapag may ubo ang bata at gusto niyo na silang bigyan ng gamot kahit hindi pa nagpapa-check up, depende pa rin ito sa dahilan ng ubo. Ang unang dahilan ng ubo ay pangangati ng lalamunan. Kung wala namang plema at nangangati lang yung lalamunan ninyo, pwede kayong mag-antay ng history or ang home remedy na pwedeng gawin, uminom ng tubig.

After uminom ng tubig, wala pa rin, pwede na kayong mag-antihistamine. Over-the-counter lang po ang mga antihistamine.

Ang magiging problema dito ay yung mga bata na three years old or five years old pababa, dahil sa hirap yun sa kanila. Nasa box naman ng syrup kung ilang ml ang papainom ninyo. Ang tawag namin dito, ang dosage. Kakaroon lang ng problema kapag overweight or sobrang payat ng baby dahil iba po ang dosage nila.

Pero kung nasa tamang timbang naman ang inyong mga anak, pwedeng sundan ninyo yung nasa box nung syrup. At kung malalaki naman sila, nasa ten years old na, pwede na yung sa gilid ng tablet, ten milligram. Ten milligram per tablet, isang beses lang sa isang araw.

Ang second cause ng pag-ubo ay viral infection. Kung viral infection lamang ito, supportive treatment lang, wala tayong gagawin. Pwedeng saline nasal spray lang din or antihistamine and water therapy. At kung magkakaroon na ng plema, hindi po kasi ibig sabihin kapag may plema, ibig sabihin, ang number one diyan ay ang brochodilator, pwede ring ay nasettle sa chest.

Of course, kung viral infection, kailangan niyo ng supplement like Vitamin C and Zinc para mapabilis yung ating treatment for viral infection. Kasi pag virus lang yan, mawawala din siya.

Ang third cause ng pag-ubo ng bata ay bacterial na bacterial infection. Usually ito yung mga five years old and above, lalo na kung may lagnat na silang kasama. Pag ganito, antibiotics na yung kailangan at kailangan ireseta ito ng doktor. Hindi siya basta-basta binibili over-the-counter.

Tandaan mommy, hindi pwede naman na sabihin natin sa doctor ninyo or sa pedia ninyo pag nagpapa-check up kayo, “Doc, ano pong pwedeng antibiotics kay baby?” Kami po ang magsasabi kung kailangan na niya ng antibiotics.

Usually, nagpapatest ng dugo ang pedia or x-ray or kahit sa kwento lang ninyo at physical exam, malalaman na ng isang pediatrician kung bacterial yung cause ng ubo ng bata. Of course, kung bacterial infection yan, antibiotics yan, five days to one week, at yung iba umabot ng two weeks.

Ang fourth cause or dahilan ng pag-ubo ng bata ay asthma, pero nasa gabi kung inaatake siya ng ubo at nagigising siya sa tulog niya, baka asthma na yan. If asthma, kailangan matutukan siya ng doktor at kailangan dalhin niyo pa rin siya sa pediatrician.

At kung gabi naman yan, di niyo siya madala, pwede ninyong pausukan si baby, lalo na kung meron kayong naririnig na wheeze. Isa pa, kung may lahi kayong asthma or kung nadiagnose na siyang may asthma talaga.

Tandaan nyo mommies, yun lang yung paunang lunas sa ubo. Pero kung lumagpas na ng dalawang araw, tatlong araw, may kasamang hingal at may kasamang lagnat, mas mabuting idalhin niyo siya agad sa doktor.

Kung wala pediang twenty-four/seven na serbisyo malapit sa inyo, pwede sa barangay health center ninyo. At magbibigay sila ng gamot para sa inyong mga anak.

Marami pang pwedeng igamot sa bata, hindi lang natin siya pwedeng sabihin lahat dahil kailangan talaga makita mo na siya ng pediatrician. Ito lamang ay mga over-the-counter drugs na pwedeng ninyong bilhin habang hindi pa kayo nagpapatingin sa inyong pediatrician at hindi malala.

Of course, kung malala na, na may kasamang paghingal, nangingitim, mataas ang lagnat, dalhin niyo na po sila agad sa hospital or sa clinic para mas magamot sila ng tama.

Iba pang mga babasahin

Antibiotic para sa Beke ng bata – Kailangan ba talaga?

Ilang araw tumatagal ang beke ng bata: Sanhi at Gamot

Ano ba talaga ang gamot sa ubo at sipon ng bata?

Mabisang gawin sa pabalik balik na ubo ng bata: 7 Tips iwas pulmonya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *