December 27, 2024

Tamang paraan ng pagpapadede ng sanggol: 0-12 months old

Pag-uusapan natin, paano ba magpadede sa mga bagong panganak na babies at sa mga zero to twelve months, ano ba ang ginagawa dapat ng mga mommies, at chinicheck ni mommy pag nagfefeeding ng baby. Sa pag-uusapan din natin, ano yung mga frequently asked questions na mga ma’am, especially pag nagcheck-up sila sakin, kasama ang kanilang babies, sa mga first time moms, or pwede second time na, pero ang tagal na kasi nung first baby ko, doktora, kaya nakalimutan ko na.

Ano ang tamang paraan ng pagpapadede sa bagong panganak na baby?

Ganito ang breastfeeding, or bottle feeding, or mix feeding sa mga babies. Paglabas ni baby, karaniwan yan sa delivery room pa lang, pinapadede na nila sa mga breast ng mga mommies yan para yung mga babies magkaroon na ng bonding with the moms, at the same time para maglet down na yung milk.

Paglabas ni baby, karaniwan ang timbang ng babies niyo para sabihin naming normal yung timbang ni baby, nasa two point five to three kilos. Kaya lang, merong mga big babies ngayon, specially yung mga big moms din, nasa four kilos na ang baby. So, pag-usapan muna natin yung mga two point five to three kilos baby.

Isipin niyo, Mommy, first day ng pagfefeed, konti pa lang ang dedede nila, kaya we don’t have to her. Karaniwan ang mga two point five kilo baby, kung ikukutsarita niyo yan, isang kutsarita hanggang tatlong kutsarita lang ng gatas ang kada feeding niyan, every two to three hours. Kaya kung nag-breastfeeding kayo, mapapansin niyo, konti pa lang din yung lumalabas sa gatas niyo, at the same time yung isang ounce niyo eh, hindi pa talaga kayang ubusin ng mga babies na ganun ang timbang. So wag na lang pong pilitin.

Anyway, ang baby pag pinadede niyo yan, titigil yan pag busog na yan, matutulog yan, so ibig sabihin they are already satisfied. So importante, kahit bagong panganak pa lang si baby, natutulog, gising, umiiyak after feeding, always burp the baby.

Pag breastfeeding kayo, Mommy, palagi yan mamayat maya, gusto niya nakasupsup sayo, kaya yung first 24 hours, kung breastfeeding, ngatngat ngatngat nga, nakadede yang baby. Pero kung milk feeding, karaniwan ten to fifteen cc every two to three hours, ganun lang , isa hanggang tatlong kutsaritang gatas, yun lang po ang kaya niyang inumin.

Pag sumusobra na kayo sa paddede, anong mangyayari, Mommys and Daddies?

Kasi gusto kong patabain yung baby ko eh, ang liit-liit niya, ang payat-payat niya eh. So ang tendency ng iba mommy’s, daddy’s, lola, sige feed pa. So anong mangyayari, Mommy? Lungad, suka. So pag nangyari yun, iritable si baby, so iyak siya ng iyak. So tingnan niyo yung mga tinatawag naming hunger cue ni baby.

Kaya lang naman meron ding overfeeding mga mommy, kada iyak, salpak ng bote, kada iyak, salpak sa suso, dede kaagad. Hindi lahat ng iyak ng bata ay gutom. So icheck niyo siya, basa ba ang diaper, may pupu ba, naipit ba siya, mainit ba yung surroundings, uncomfortable siya. So check about other discomforts aside from milk feeding.

Pagdating niya ng latter half ng first week, mapapansin niyo yan, wala pang two hours, gutom na naman siya. So ito ang pagdagdag ng gatas, unti-unti, hindi bigla. Again, titingnan ang hunger cues ni baby. Ah, nganga, pag may binigay kayong dede, talagang hinahabol niya, ibig sabihin gutom pa siya. So, Mommies, check the hunger cues.

Ito ba yung tinatawag na rooting reflex, pag ginawa mo susundan niya kaagad yun, dididihin niya kaagad yung milk, tas pag satisfy na siya, matutulog na siya. So that’s the time, ibiburp si baby, and waiting for the next feeding.

Okay, Mommy, second week na tayo. Mapapansin niyo pag the second week, nakaka one to two ounces na po yang mga babies niyo na three kilo. By that time, mga three kilos na sila, kasi mabilis yan ang weight gain nila, kaya ang bilis din nilang mag feed, ang bilis nilang mag poop, ang bilis nilang umihi, kasi nga mabilis yung growth niya, and it has to be supported with the proper amount of milk.

Pero ibang usapan yan kapag ang baby niyo ay four kilos pataas, talagang mas mabilis siya. At the end of the first week, mapapansin niyo, two to three ounces na ang nauubos nila, and so forth and so forth. Look for the hunger cues, always burp the baby after, and check always for other signs and symptoms na nagcacause ng iritability niya, maliban sa gutom. So hindi kailangan pag umiyak si baby, salpak agad ang dodo, icheck muna si baby kung ano ang needs niya, aside from overfeeding.

Pwede rin naman siyang maging underfeeding. Ano yung underfeeding?

Kulang, karaniwan nangyayari ‘to mga first week of the baby na nagstart pa lang maglet down si babe si Mommy. So nagstart pa lang let, ano ibig sabihin ng let down ng milk? Nagstart pa lang mag produce ng gatas si Mommy. Malalaman niyo yung bata, iritable, iyak ng iyak, tapos kailangan icheck kasi yung breast ng Mommy, nag-breastfeeding kayo, meron bang lumalabas na gatas, baka naman wala.

So you have to help the mom, pwedeng masahe, magdrink ng mga tinatawag naming galactic gold na milk, mga malunggay, sabaw, water para magproduce si Mommy ng milk. In that case, magiging sufficient yung breast milk niya para kay baby. Tas mapapansin niyo kasi si baby, eh kung si baby eh iyak ng iyak, makita mo dry na dry yung lips, malalim ang mata, and overall physical features ng bata, ay mukhang dehydrated.

So those are possible signs na pwedeng kulang yung natatake niyang milk, and dapat ang bata ay at least umiihi siya every four hours. So kung dalawang beses na po yung baby at umiihi siya isa o dalawang beses ng isang araw, baka naman kulang po kasi yung nagtatake ng milk, kaya yung bata ay iritable.

Usually after the second day of life, mas madalas na siyang mag breastfeeding, so mas madalas na rin siyang umihi. Kung dalawang araw na yung baby at umiihi siya isa o dalawang beses ng isang araw, baka kailangan niyo icheck kung tama yung dami na lumalabas na gatas sa kanya, or baka naman kasi may mga mommies ayaw nilang gisingin yung babies para mag milk, pinapayagan nilang matulog yung babies na stretch of four to six hours, Mommy. Ang baby dapat nagfifeed every three to four hours maximum, lalo na yung mga bagong panganak na baby.

So you give konti-konti, pero dapat during the span of period of three to four hours, magfefeed na siya ulit.

So anong mga reasons for underfeeding?

Number one, ayaw gisingin ng mga mommies and daddies ang baby, hindi siya nafefeed on time. Number two, inappropriate, kulang po yung dami ng breast milk ni Mommy. Or three, hindi alam ng mga parents minsan, especially for the first time moms, na kailangan ng ifeed si baby, na yung pinapakita niya yung symptoms is actually hunger cues na, kaya kailangan na siyang ifeed.

Iba pang mga babasahin

Punasan ng warm compress ang bata

Senyales ng diabetes sa bata

Solusyon kapag nabulunan ang bata

Sintomas na may allergy sa gatas ang baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *