Napaka importante ng bakuna sa bata kasi maraming sakit ang naiiwasan nito lalo na akong kumpleto at updated ang bakuna ng isang sanggol. Para sa article na to isa isahin natin ang mga bakuna ng bata kailan ibibigay at para saan ang mga ito.
Bakit kailangan magpa-bakuna ng Bata
Maraming sakit ang pwedeng maiwasan ng mga sanggol o bata kapag nakumpleto ang mga required na bakuna nila. Ang mga bakuna ay nagpoprotekta laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, tulad ng pneumonia, meningitis, at poliomyelitis.
Sa tamang bakuna din mapipigilan ang mga malulubang sakit. Ang mga sakit na tulad ng tigdas, tetanus, at whooping cough ay maaaring magdulot ng matinding komplikasyon at kahit kamatayan.
Ang pagbabakuna ay tumutulong sa immune system ng sanggol na makilala at labanan ang mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit.
Ang ilang bakuna ay nagbibigay ng pangmatagalang proteksyon laban sa mga sakit, na nagtatagal hanggang sa pagtanda.
Ano ang mga Bakuna na kailangan ng Bata?
Una bakuna na binibigay kapanganak ng sanggol ang tinatawag na BCG.
Ang bcg o Bacillus Calmette-Guerin na isang bakuna para sa tuberculosis, ito ay tinuturok sa braso ng bata na kung saan nag iiwan ito ng marka o peklat. Isang beses lang binibigay ang bakunang ito.
Pangalawa ay ang Hepatitis B-vaccine na bakuna, ito naman na bakuna para sa hepatitis prevention naman. Ito din ay binibigay kasama ng bcg meron itong mga booster na kasama ng ibang bakuna .
Pangatlo na bakuna na binibigay sa batang may forty six weeks old na edad. Ito ang tinatawag na Penta vaccine (Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)) kasama ng OPV o polio vaccine o yung six in one na tinatawag ang kasamang sakit na binabakuna nito ay diphtheria, pertusis, tetanus, human influenza B HIB, Hepa B at IPV (para sa polio). Itinuturok ito ng isang beses lang (sama-sama) sa hita ng baby.
Meron pang isang bakuna na kailangan din iturok sa hita ng baby. Ito ang tinatawag na PCV or Pneumococcal Conjugate Vaccine. Ang gamit naman nito ay para sa prevention ng pulmonya o infection sa baga.
Itong mga bakuna na sinabi ko ay kailangan ulitin kada buwan hanggang siya ay makatatlong beses.
Pangapat, isa pang bakuna na pwede pang ibigay sa edad na to for to six weeks old ay ang bakuna sa pagtatae. Ito ay ang tinatawag na rota virus. Ito ay pinapatak sa bunganga ng bata. Ipapatak ito ng magkahiwalay na dose sa isang buwan ng pagitan. Kumunsulta sa iyong pedia tungkol sa bakunang ito dahil ito ay hindi available sa health center.
Pang lima, ang bakuna naman binibigay para sa nine months ang measles vaccine. Ang bakunang ito ay maaaring ibigay ng mas maaga six months lalo na kung merong outbreak.
Panganim, isa pang bakuna para sa nine months ay ang japanese encephalitis. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng infection sa ulo, lagnat at pangkombolsyon ang mga sintomas na. Ito din ay hindi available sa health center, kumunsulta sa pedia patungkol sa bakuna.
Ito bakuna para sa isang taong gulang ang tinatawag na MMR (Measles, Mumps, Rubella). Ang MMR ay may booster dose na ibinibigay at fifteen months hanggang six years old.
Ngayon alam niyo na ang mga bakuna na dapat maibigay sa bata ito ang aking tanong para sa inyo updated o kumpleto ba ang bakuna ng inyong mga anak kung hindi o hindi pa hindi pa nahuhuli ang lahat pwede pang humabol dalhin lang sa barangay health center o sa inyong mga pedia para sa kanilang mga bakuna.
Pwede ding gamiting guide para sa immunization ng bata ang calendar sa baba.
Iba pang mga Babasahin
Kahalagahan ng Pagpapasuso/pagDede sa Bata
2 thoughts on “Mga bakuna na Kailangan ng Sanggol”