Ang paglilinis sa pusod o umbilical cord ng sanggol ay isa sa mga itunuturo sa mga mommy bago sila lumbas ng hospital pagktapos manganak. Paano nga ba linisin ang pusod ng baby? Ano ang tamang paraan ng pag gawa nito? Bakit ito mahalaga?
Ito ang mga katanungan na sasagutin natin na ito para sa mga bagong mommy natin.
Bakit kailangan linisin ang Pusod ng Baby?
Kailangang linisan ang pusod ng baby upang maiwasan ang impeksyon at mapanatili ang kalinisan habang naghihilom ito.
Ang umbilical cord stump, na natitira pagkatapos ng kapanganakan, ay isang sensitibong bahagi ng katawan ng sanggol na madaling kapitan ng bakterya at dumi.
Ang regular na paglinis gamit ang malinis na tubig o alcohol swab (kung inirerekomenda ng doktor) ay tumutulong na mapanatiling malinis at tuyo ang lugar na ito, na mahalaga upang maiwasan ang mga potensyal na impeksyon na maaaring magdulot ng pamamaga, pamumula, pananakit, o paglabas ng nana.
Paano linisin ang pusod ng Baby
Ang pagpapaligo sa baby ang pangunahing magandang gawin para mapanatili ang kanilang kalinisan. Anim na oras pagkatapos maipanganak ang sanggol, ina-advise na nag mga doktor na paliguan na ito. Ito ay kahit suot pa niya ang umbilical stump. Siguraduhin na malinis at bagong sabon ang mga kamay bago paliguan ang baby.
Pagkatapos maligo at mapatuyuan si baby kumuha ng mga cotton buds at ibabad ito sa isang maligamgam na tubig at may mild soap. Pagkatapos dahan dahan itong idampi sa umbilical cord stump ng baby ng nagsisimula sa stump nito papunta sa paligid ng umbilical.
Pwede itong gawin ng 2-3 beses sa isang araw para masiguro ang kalinisan ng kanyang pusod. Hindi din recommended na gumamit ng betadine o alcohol sa panahon na ito. Huwag din lalagyan ito ng bigkis. Karaniwang itinuturo ito sa mga nanay sa hospital kung saan sila nanganak pero minsan hind nasusunod dahil nakaugalian ng mga matatanda ang pagbigkis.
Bakit hindi binibigkis ang tiyan ng baby?
Ang tiyan kasi ng baby ay kasama sa pwersa nila sa kanilang paghinga at pag may bigkis ito ay mahihirapan siya na huminga ng maayos.
Ang pusod din ng baby ay dapat di nilalagyan o binababaran ng bulak. Ang bulak ay pwedeng pamahayan ng mga bacteria at maging sanhi pa ng impeksyon sa pusod niya. Pag nagkaimpeksyon mapipilitan ang mga doktor na gamitan siya ng antibiotics.
Kapag lalagyan naman ng diapers ang baby, siguraduhin na hindi natatakpan ng belt ng diaper ang kanyang pusod. Hayaan ang pusod na nakaexpose sa hangin para magkaroon ng ventilation ito. May mga special diapers na may butas sa pusod or pwede din naman itupi nalang ang bahaging nagtatakip sa kaniyang pusod.
Higit sa lahat, mommy wag pilitin na tanggalin ang umbilical stump ng baby. Hayaan nalang ito muna at kusa naman itong nalalaglag after 1 – 2 weeks na suot ng bata.
Iba pang mga Babasahin
Mga bakuna na Kailangan ng Sanggol
Mga bakuna na Kailangan ng Sanggol
2 thoughts on “Paano ang Tamang Paglinis sa Pusod ng Sanggol : Umbilical cord cleaning”